Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Wawasakin ni Erap ang karagatan ng Maynila

KAILANGAN kumilos ang taong-bayan sa binabalak ni Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa kanyang isasagawang proyekto na tiyak na magdudulot ng kapahamakan hindi lamang sa kalikasan kundi maging sa mga Manileño na umaasa ng kanilang kabuhayan sa paligid ng Manila Bay.

Nakasisindak ang planong reclamataion project ni Erap sa Manila Bay dahil aabot sa daan-daang ektaryang karagatan ang plano niyang tambakan ng lupa at patagin, at gawing commercial area na tiyak na pagkakakitaan lamang ng mga negosyanteng sakim sa pera.

At sa kasunduang pinasok ng Manila City government sa pamumuno ni Erap, bilyon-bilyong piso rin ang nakalaan dito para sa katuparan ng nasabing mga reclamation projects sa Manila Bay. Wala kayang SOP si Erap dito?

Ayon sa Pamalakaya o Pambansang Lakas ng Kilusang Pamalakaya, umaabot sa 100 reclamation projects ang nakabinbin sa buong karagatan ng Filipinas at 70 porsiyento rito ay nasa Manila Bay.

Ilan sa mga reclamation projects na pinasok ni Erap ay New Manila Bay International Com­munity na gagawin ng UAA Kinming Group Development Corp; ang P7.4-billion expansion ng Manila Harbour Center sa Tondo na gagawin naman ng construction firm na R-II Builders, Inc.

Kasama rin ang multi-bilyong piso na reclamation project sa Manila Bay na tatawaging “Solar City” urban center na isa raw na state-of-the-art na pang-turismo, commercial at residential district na magbibigay tahanan sa mga commercial projects, tourism facilities na kinabibilangan ng international cruise ship terminal; at ang multibilyong-piso na commercial at tourism hub sa Roxas Boulevard na tatawagin namang Manila Waterfront City.

Nitong nakaraang Nobyembre, sa pamumuno ni Erap at Pasay City Mayor Antonio Calixto, isang MOA ang nilagdaan kabilang ang mga kinatawan ng Manila Gold Coast Development Corporation, SM Prime Holdings Inc., at Pasay Harbor City consortium para sa nasabing reclamation projects.

Kaya nga dahil sa mga proyektong ito ni Erap, nananawagan ang Pamalakaya kay Environment Secretary Roy Cimatu na huwag bigyan ng environmental compliance certificate ang mga reclamation projects sa karagatan ng Maynila.

Kung tutuusin, ang mga mandurukot, holdaper, adik, prostitusyon at nagkalat na basu­ra sa Maynila ang dapat na pinagkakabalahan ni Erap, pero bakit ba pilit niyang pinupuntirya ang mapaminsalang reclamation projects sa Manila Bay.  ‘Meron’ nga ba, ha?

Kahirapan ang kailangang bigyang solusyon ni Erap at hindi ‘yung tambakan ng lupa at patagin ang karagatan ng Maynila. Sawang-sawa na ang mga Manileño sa mga pangako ni Erap, at kailangan nila ng tunay na solusyon sa kanilang mga problema.

Sabagay malapit nang husgahan si Erap, kung hindi siya mapipigil sa kanyang mapamuksang reclamation projects, tiyak sa basurahan din siya pupulutin sa darating na May 13 elections.  

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *