Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Maid in London, ipalalabas sa Malaysia

NAGING matagumpay ang ginanap na dalawang free screening ng advocacy film na The Maid In London sa Robinson’s Galleria noong December 7 at 9 sa Robinson’s Place, Las Pinas.

May isa pang free screening na magaganap sa Dec. 11-Robinson’s Calasiao, Pangasinan, 1:00 p.m. (Cinema 4). Ito’y sa pakikipag­tulungan ng PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office).

Ang naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Danni Ugali ay pinagbibidahan nina Andi Eigenmann at Matt Evans. Tampok din dito sina Polo Ravales, Janice Jurado, Joshua de Guzman, at iba pa.

Pinasalamatan ni direk Danni ang mga sumuporta sa libreng pagpapalabas ng kanyang pelikula.

Thankful ako sa matagumpay na PCSO special screening for ‘The Maid in London’ na ‘yung sa Robinson’s Las Piñas ay sinuportahan ng senior citizen’s group, friends from showbiz, special mention to Shubert Dela Cruz of Sparkling Stars Productions who brought all their artists. Kabilang pa sa attendees are relatives of OFW’s and batchmates from high School. Thanks to PCSO General Manager Alexander F. Balutan for the support, together with PCSO staff Sir Darcy Geronimo, Ms. Ana May Casten and Sir Joel Pastores.

“Pinasasalamatan ko rin ang iba pang sumuporta sa proyektong ito tulad ng Prego Jeans Ph, Ms. Rhea Tan of Beautederm Corporation, Mahlord Productions, Annie Magnabion of Robinson’s Cinema, Ms. Aki Galicia-Tsuji, and Dr. Shirwel Dagasdas of Revisage Skin Care.”

Ang pelikula ay inimbita rin sa Seni Kelab Filem Malaysia sa Kuala Lumpur sa February 4, 2019. Ito ay lalahukan ng film students doon at magkakaroon ng Q & A pagkatapos ng screening.

Ang The Maid in London ay base sa librong Tago ng Tago ni BL Pangasinan. Ito’y mula sa Cinemanila.UK at Viva Films. Ang producers ay sina BL Panganiban, Beth Rees, Steve Rees, Mark O’driscoll, Nhing O’driscoll, at Danni Ugali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …