Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Lim Kim Chiu

Kim Chiu, ‘di pa tiyak kung si Xian na ang ‘one great love’

KUNG si Kim Chiu ay hindi pa masabing si Xian Lim na ang kanyang One Great Love, tiniyak naman ng leading men niyang sina JC de Vera at Dennis Trillo na ang respective partners nila ngayon ang ‘one great love’ nila.

Obvious naman si JC na nakita na niya ang great love nila dahil may anak na sila ng kanyang long time non-showbiz girlfriend at isinama niya ang mag-ina niya sa South Korea na nag-taping sila ng Banana Sundae.

Family bonding na rin ang nangyari sa De Vera family lalo’t first time ng anak nilang maka-experience ng snow.

Caption ni JC sa IG post ng litrato nila ng anak, “collect moments.  Not things. #lanabungisngis #LanaAthena.

Halatang fulfilled na si JC sa buhay niya dahil halos araw-araw ay panay ang post niya ng litrato nilang mag-ama o litrato nilang pamilya.

Samantala, si Dennis naman ay masasabing fulfilled na rin sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado dahil inamin niyang napag-uusapan nila minsan ang kasal pero wala pang saktong petsa kung kailan at kung saan.

Marahil kaya nasabi rin ni Dennis na si Jen ang one great love niya ay dahil kasal na lang ang kulang sa kanila lalo’t pareho naman na silang may mga anak sa past relationships nila.

Katuwang din ang aktor sa Chunky Dough business ni Jen, katunayan, ipino-promote rin ito ni Dennis sa kanyang IG.

Anyway, si Kim kaya hindi pa nasasabi ay dahil wala pa siyang anak at baka ito ang kulang sa kanila ni Xian para masabi na rin niyang ang binata na ang kanyang ‘one great love.’

Ano sa palagay mo Ateng Maricris?

Sa Disyembre 25 na mapapanood ang One Great Love entryng Regal Films sa 2018 Metro Manila FilmFestival mula sa direksiyon ni Eric Quizon

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …