PINAG-UUSAPAN ang pagdagsa sa bansa ng mga Chinese national, at natawag ang aming pansin sa posisyon ng Bureau of Immigrations. Ang sabi nila basta raw entertainers, o kaya athletes, mabilis sila sa pagbibigay ng special visa.
Iyon na nga eh, kung sino-sinong foreigners ang nakakapasok sa ating bansa para maging artista o models. Bumabaha na sa bansa ng mga Brazilian model, maging legal at illegal. Mayroon din naman kasing mga model na ang trabaho ay medyo questionable, at nagmo-model sa kung saan. Eh iyon namang mga trabahong iyon ay kayang-kayang gawin ng mga artista at modelong Filipino na karamihan ay jobless dahil sa krisis sa industriya.
Hindi kaya dapat isipin din nila iyan? Ang dami nating artistang walang trabaho, tapos kung sino-sinong mga dayuhan ang mapadpad lang dito nakakakuha na ng working visa agad na ang palusot ay “mag-aartista kasi”. Mukhang hindi naman tama iyon.
Pinapatay nila ang trabaho ng Pinoy, at naagaw iyon ng mga dayuhan pa. Tama ba iyon?
Panoorin ninyo ang mga fashion show, puro ganyan na. Pakinggan ninyo ang mga tsismis pagkatapos, mas masisindak pa kayo.
HATAWAN
ni Ed de Leon