MASAYA si Jao Mapa sa pagdating sa kanya ng iba’t ibang projects ngayon. Kasama siya sa pelikulang Mga Munting Pangarap. Kasali rin siya sa pelikulang Despicable Rascals ni Direk Roland Sanchez, isang hepe siya ng NBI rito.
“I’m so blessed actually this month, pumasok itong teaching, etong movie, ‘yung group exhibit, sabay-sabay nga e,” saad ni Jao.
Dagdag niya, “Guro ako sa Mga Munting Pangarap and I’m teaching in a school right now in Makati, international school siya, Canadian American School and I teach art. I’m a part time teacher ng Grade 6 to Grade 11. Halo-halo na sila, ‘yung mga students ko, I have Malaysian, Spanish, Arab…may Pinoy ako, isa, may American din.”
Ang naturang pelikula ay mula sa Flying High Productions ni Mr. Joshua Macapagal at mula sa direksiyon ni Errol Ropero. Ang lima pang indie films ng naturang produksiyon ay Sarah and Cedie, Prince of Music, My Music Hero Teacher, Science En Marsha, at A Walk To Remember. Elementary at high school students ang target audience nila kaya ipalalabas ito sa iba’t ibang paaralan sa bansa.
Magiging active na ba siya ulit ngayon sa showbiz? Sagot ni Jao, “Active na in a way na on the side na lang na… ‘eto dumarating iyong mga indie films, guesting sa TV. I’m not as active as before, ‘yung ganito…”
Ipinahayag din ni Jao na kakaiba ang fulfillment na nararamdaman niya bilang teacher. “Sa acting ang fulfillment mo ay iyong nagagampanan mo ang role mo, sa teaching, ang pinaka-fulfillment ay kapag nakikita mo na naa-absorb o natututo ang mga estudyante mo.”
Samantala, aabangan pa kay Jao ang group exhibit nilang The Work of Christmas Noel @ Avellana sa Avellana Art Gallery located at 2680 FB Harrison St. Pasay City, tel. 8338357. Magbubukas ito sa Dec. 1, 6:30 pm.
Tampok din si Jao ngayong Sabado sa Uniporme Hero Serye, 3-4 pm sa GMA News TV mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan.
“I play PDEA director Wilkins Villanueva, true to life niya ito. He directed actual drug lab busts and have actual footage not shown on news from his file. I miss doing action, lalo na ang bida ngayon ay tungkol sa iniidolo ko,” wika ni Jao.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio