Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
QC quezon city

Mathay, aatras; Willie, tatandem kay Paulate

PINAHIHINTULUTAN ng Comelec ang tinatawag na substitution o pagpalit ng kandidatong nauna nang nag-file ng kanyang certificate of candidacy o COC para bigyang-daan ang pinal na tumatakbo sa anumang puwesto.

Itinakda ito hanggang November 29.

Dahil anong petsa lang ngayon ay may panahon pa para sa nasabing pagpapalit, at isa nga sa mga inaabangan ay ang balitang pagba-back out ni Chuck Mathay, ama ni Ara Mina, sa pagka-mayor sa Quezon City.

Dito kasi magkakaalaman kung ang pinal bang makaka-tandem ng vice mayoral candidate nitong si Councilor Roderick Paulate ay si Willie Revillame nga ba?

Tulad ng alam ng lahat ay matagal nang inaawitan si Willie na mamolitika na rin lalo ang pagiging punongbayan ng nasabing lungsod.

Pero bigo ang mga taong kumukumbinsi sa kanya dahil wala ang politika sa agenda ng TV host.

Still, hindi pa rin sumusuko ang ilan sa mga umaasang magbabago ang takbo ng isip ni Willie. Sa pagitan ng araw na ito at November 29 ay marami ang posibleng maganap.

Pero teka, habang nakatuon ang pansin ng madlang pipol sa Kyusi ay mayroon ding dapat antabayanan sa lungsod ng Pasay.

Bagama’t itinanggi na ng kapatid niyang si Chet, ayaw pa ring humupa ang tsismis na si Sharon Cuneta ang magsa-substitute sa pagka-mayor.

Abangan.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …