SA umano’y tatlong biktima ng sexual harassment, si Miss Earth Guam lang ang matapang na nagpangalan sa pageant sponsor na umano’y guilty sa nasabing paratang.
Ang dalawa pang kandidata sa Miss Earth na nagreklamo ay sina Miss Earth Canada at Miss Earth England.
May pagkakapareho sa kanilang complaint. Hiningi ang kanilang room number sa tinutuluyang hotel, at saka tinawagan sa telepono, inalok ng kung ano-ano at sinundan hanggang sa mismong pageant proceedings.
Tanging ang kinatawan lang ng Canada ang lumayas na ng bansa bago pa man ang pageant. Hindi raw kasi safe kung mananatili pa rito.
Ipinagbigay-alam nila ang kanilang mga dinanas sa mga team manager, pero imbes daw na gawan ‘yon ng paraan ay pinagtawanan pa sila ng mga ito.
Ultimately, umabot ‘yon sa kaalaman ni Lorraine Shuck, ang pinuno ng Carousel Productions in charge of Miss Earth. Nangako ito na magiging ligtas ang tatlong kababaihan mula sa sponsor.
Pero hindi raw ito ang nangyari. Hanggang sa coronation night daw ay naroon ang presensiya ng taong positibong tinukoy ni Miss Guam bilang si Ginoong Amado S. Cruz.
Samantala, Facebook ran a photo of Cruz taken kasama si President Duterte. Hindi malinaw kung saang event o pagtitipon kuha ‘yon.
Regardless, kailangang i-address ng pamunuan ng Miss Earth pageant ang isyung ito.
Itinanggi na ni Shuck ang paratang. Hinabi pa nga raw ni Miss Canada ang kanyang kuwento. So, anong gustong palabasin ni Shuck, sinungaling ang tatlong delegada?
Ang una at bigla lang naming naisip ay ang imahe ng Pilipinas sa mata ng international community.
Seryoso ang kaso sexual harassment, taliwas pa nga sa imahe ng Pilipinas na isang hospitable nation. Parang ngayon lang din kami nakabalita ng ganitong kaso against women sa kasaysayan ng Miss Earth.
First time rin naming narinig ang pangalang Amado Cruz. Taon-taon ba’y ito ang nag-i-sponsor ng pageant?
Minsan na ring ipinrodyus ni dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson ang Miss Universe. We’re not privy to the old man’s personal life, pero mukha rin siyang chick boy. Pero wala tayong nabalitaang may nagreklamo laban sa kanya ng sinumang delegada sa MU noon.
Same thing with Manila City Mayor Joseph Estrada. Ito nama’y aminadong palikero. Miss Manila naman ang isa sa mga proyekto sa ilalim ng kanyang panunungkulan. At ni minsan, we never heard of a single issue na sangkot si Erap sa parehong reklamo.
Bagama’t kailangan pang patunayan, nanliliit kami para sa Carousel. Sa mga salita ni Shuck, sinabi niyang may “uncontrollable intances.”
Talaga lang, ha? Naiwasan sana ang palusot niya kung naging bantay-sarado sila. Lumilitaw kasi na sina Canada, England, at Guam na nga ang umano’y nabiktima, sila pa ang nag-iimbento ng istorya!
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III