Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Belladonnas
Belladonnas

Quinn Carillo after Codep, may bagong pelikula!

PATULOY ang magandang takbo ng showbiz career ni Quinn Carillo na kabilang sa grupong Belladonnas. Ito ay binubuo ng seven talented young girls na bukod kay Quinn ay kinabibilangan nina Chloe Sy, Rie Cervantes, Xie Fabricante, Jazzy Dimalanta, Phoebe Loseriaga, at Tin Bermas.

Hindi pa man ipinalalabas ang launching movie nilang Codep  mula sa pamamahala ni Direk Neal Tan at prodyus ng 3:16 Productions ni Ms. Len Carillo, may kasunod na project na agad si Quinn. Sa ngayon ay inaayos na ang isang inspiring dance-romance movie na mala-Step Up ang tema.

Napili ni Ms. Len ang team nina Direk Carlo Obispo para mamahala sa naturang  pelikula na pagbibidahan ng Belladonnas front girl na si Quinn at ng ilang miyembro ng Clique V, plus iba pang member ng Belladonnas.

Abala ngayon ang team ni Direk Carlo sa pre-prod sa pelikulang ito na sa Subic balak i-shoot. Ayon naman kay Quinn, handa niyang ibigay at i-absorb ang lahat ng ituturo sa kanya ng critically-acclaimed director.

Anyway, kasama ni Quinn sa pelikulang Codep ang mga kapwa niya Belladonnas, Clique V at ilang veteran na sa showbiz tulad nina Ronnie Lazaro, Ana Capri, Via Veloso, at Rosanna Roces.

Ipinahayag ni Quinn na memo­rable sa kanya ang peli­kulang ito. “Memorable po sa akin itong movie na ito na nakaeksena ko sina Sir Ronnie at Ms. Ana. Iyong movie po na Codep about sa college event na I could say, ‘yung mga issue na nae-encounter ng teen­agers. Isa po itong advocacy film na drama. Iyong role ko sa movie, ako iyong pinakamabait at pina­kamahilig mag-aral,” naka­ngiting esplika ni Quinn.

Sa ngayon bukod sa peli­kula, tinatapos na rin ang unang album ng Belladonnas.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Dianne Medina, bagong endorser ng One Stop Soap at The Scents & Oils Shop

Dianne Medina, bagong endorser ng One Stop Soap at The Scents & Oils Shop

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …