Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
 Korina Sanchez Mel Tiangco
 Korina Sanchez Mel Tiangco

Tita Mel, tinuldukan ang usaping magka-away sila ni Korina

SI Mel Tiangco na mismo ang tumapos sa matagal ng isyu na mortal silang magkaaway ni Korina Sanchez.

Sa panayam namin sa kanya para sa 6th anniversary ng Magpakailanman na si Mel ang host, iginiit nitong,”Marami naman… si Korina friend ko!

“People don’t… people do not believe me but…” sagot niya sa tanong na kung may kaibigan ba siya sa ABS-CBN.

Noon pa kasi kumalat ang isyu na magkagalit sila ni Korina.

“Ewan ko kung saan nanggaling ‘yun.

“Pero hindi (magkagalit),” bulalas pa ng TV host.

Huli silang nagkita ni Korina ay sa Rome. ”O di ba? ‘Tita Mellll’, sabi niya.”

Ito ay sa canonization o sainthood nina Pope John XXIII at Pope John Paul II sa Vatican City noong April 27, 2014.

Pareho silang nagtungo roon para i-cover ang naturang selebrasyon.

“Nandito kami sa isang side, sila nasa kabila, noong una hindi ko siya napapansin, malayo siya, ang layo ko, sabi niya, ‘Mama Mel!!!’

“Pagkita ko, ‘Ay, si Korina!’

“Tapos tumatakbo siya.

“Tapos ang sweet-sweet pa nga niya e, ‘Ay, let’s take a picture muna!’

“Sabi ko, ‘Sige, sige picture tayo!’

“So kinunan kami ng PA [Personal Assiatant] niya, so posing-posing kami.

“Tapos nakita ko yung iPad niya, sabi ko, ‘Hoy ha, bakit basag ‘yang iPad mo?’

“Sabi ko, ‘Alam mo naman hindi maganda sa Chinese ‘yan. Ano ka ba, nangunguripot? Bumili ka nga ng bago!’

“Tawa siya ng tawa.”

May litrato pa ngang kuha ang dalawa noong araw na iyon.

Barkada pa nga ng isang pamangkin ni Mel si Korina.

Ngayong Sabado sa Magpakailanman ay tampok ang Yuki: A Japinay Story na sina Joyce Ching at Jak Roberto ang bida kasama sinaGardo Versoza, Diana Zubiri, Paul Salas, Denise Barbacena, Joanna Marie Tan, Leanne Bautisita, Kyle Vergara, Angle Satsumi, atAngel Pareno. Ito ay sa direksiyon ni Albert Langitan.  

 Rated R
ni Rommel Gonzales  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …