Tuesday , May 6 2025

Palparan guilty sa ‘dinukot’ na 2 UP students

HINATULAN ng Malolos Regional Trial Court (RTC) nitong Lunes si dating Major General Jovito Palparan na guilty sa mga kasong kidnapping at illegal detention kaugnay sa pagkawala noong 2006 ng dalawang estudyante ng University of the Philippines.

Bukod kay Palparan, hinatulan din ng Malolos RTC Branch 15 bilang guilty sa mga parehong kaso sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr., at Staff Sgt. Edgardo Osorio.

Nahaharap ang tatlo sa reclusion perpetua o pagkakakulong ng hindi bababa sa 30 taon.

Pinagbabayad din ang bawat isa sa kanila ng P300,000 civil in­demnity at moral damages sa bawat pamil­ya ng dalawang estu­dyante.

Nakadetine si Palpa­ran sa Army Custodial Center sa Fort Bonifacio, Taguig City dahil sa kaniyang papel sa pagka­wala nina Sherlyn Cada­pan at Karen Empeño.

Ngunit dahil sa desisyon, ibibiyahe na siya sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Magugunitang dinu­kot ng mga arma­dong lalaking naka-bonnet noong 26 Hunyo 2006 sina Cadapan at Empeño sa isang bahay sa Brgy. San Miguel, Hagonoy, Bulacan.

Labis umano silang pinagmalupitan ng mga tauhan ni Palparan at hanggang ngayon ay hindi pa sila natatagpuan.

Noong panahon nang pagdukot, kumukuha ng kursong sports science si Cadapan habang nag-aaral ng sociology si Empeño.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Gue­var­­ra, patunay ang hatol kay Palparan na nakaka­mit ang hustisya gaano man katagal ang proseso.

“Justice may come a bit late but it does come [Matagal man dumating pero tiyak na darating ang katarungan],” ani Gue­varra.

Sa isang pahayag, pinuri ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) ang desisyon ng korte at sinabing isa itong babala sa mga lumalabag sa mga karapatang pan­tao.

Makaraang ilabas ang desisyon, inihayag ni Palparan ang kaniyang pagkadesmaya sa naging hatol sa kaniya.

Susubukan umano ng kampo ni Palparan na umapela laban sa desi­s-yon.

Habang tiniyak ni Bureau of Corrections chief Ronald Dela Rosa na hindi mabibigyan ng “special treatment” sa Bilibid si Palparan at tatratohin siya gaya ng ibang nakapiit doon.

Samantala, patuloy na tinutugis ang isa pa umanong kasamahan ni Palparan, si Rizal Hilaro.

Naglabas na ng warrant of arrest ang korte laban sa kaniya.

ni MICKA BAUTISTA


Seguridad ni Palparan sa bilibid tiniyak ni Bato
Seguridad ni Palparan sa bilibid tiniyak ni Bato
Hatol kay Palparan ikinagalak ng leftist groups
Hatol kay Palparan ikinagalak ng leftist groups

About Micka Bautista

Check Also

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist

Comelec reso ipasa pabor sa lehitimong ABP officials, katarungan sa pagpaslang kay Leninsky Bacud hiniling

SA PAGDIRIWANG ng International Firefighters Day, muling iginiit ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist …

Arrest Shabu

HIV drug pusher swak sa P.4 milyong shabu

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District — Batasan Hills Police Station (QCPD-PS6) …

Jaye Lacson-Noel

Ayon sa mga survey  
JAYE LACSON-NOEL NEXT MAYOR NG MALABON

KUNG ang lahat ng ginawang surveys sa Malabon City ang magiging batayan ng paparating na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *