Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mocha, ‘di bagay sa isang advocacy film

READ: Nora at Lotlot, warla na naman

READ: Agenda ng Dilawan, ibinuking

KUMBAGA sa kalye, kontra-pelo (counterflow) para sa amin ang pahayag ni PCOO ASec Mocha Uson para idepensa ang pagiging bahagi niya ng isang advocacy film with a Hollywood actor in it.

Papel na news reporter ang ginagampanan ni Mocha.

Bahers’ favorite si Mocha dahil sa kanyang role. Anong “K” nga naman mayroon siya para bigyan ng hustisya ang kanyang papel gayong kilala siyang tagapagpalaganap ng fake news?

Dapat sa argument na ito sumentro si Mocha. Pero sa halip ay irrelevant ang kanyang mga inilatag na dahilan.

Aniya, libre ang kanyang serbisyo sa pelikula. Wala ni isang kusing ang mula sa kabang-yaman ng gobyerno. Hindi rin siya nag-shoot sa oras ng kanyang trabaho.

Hindi ito ang inaasahan naming magiging line of defense niya. Problema na ni Mocha kung hindi siya nagpabayad.

Ano ‘ika niya, hindi pera ng gobyerno ang ginastos sa filming? Eh, paano naman ‘yung anomalyang nakalkal ng COA sa ahensiyang pinamumunuan nila ni Secretary Martin Andanar, bakit hindi ‘yon ang ipaliwanag niya?

Siyempre, gasino nga lang naman ang TF niya sa movie, malayong-malayo ‘yon sa P1.2-M plus na sinahod niya mula nitong Mayo lang, gayong ewan kung sulit ang halagang ‘yon katumbas ng inaasahang serbisyo niya.

Oo naman, hindi dapat gamitin ni Mocha ang office time sa isang trabaho outside her official duties. At kung 9:00 a.m.-5:00 p.m. ang karaniwang office hours, so lumalabas na puro gabi ang shooting days niya?

Isa sanang intelihenteng sagot ang inaasahan naming mamumutawi mula sa bibig ni Mocha. Eh, kabog pa siya ng mga baklang sumali sa Miss Q & A sa It’s Showtime, ‘no!

May kasama sanang pagpapakumbaba ng kaunti considering na hindi naman talaga siya isang artistang umaarte sa harap ng camera.

Kung sabagay, challenging ang role na reporter para kay Mocha.

Offbeat, ‘ika nga, dahil hindi naman siya ‘yon that she will have to slip into a character na malayo sa kanyang pagkatao at trabaho.

Isa pa, bakit sa tuwing may mga namba-bash sa kanya’y lagi niyang pinagdidiskitahan ang mga Dilawan? Gaano nakatitiyak si Mocha na wala ni isang DDS ang naiinis sa kanyang mga pinaggagagawa?

Color-coded na ba talaga sa panahon ngayon ang galit sa politika?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …