Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres Alden Richards
Andrea Torres Alden Richards

Andrea, nagwawala kapag kinakanti ang pamilya

READ: Andrea Torres, adik sa workshops

KANTIIN na ang lahat huwag lang ang kanyang pamilya. Ito ang prinsipyo ni Andrea Torres. Kaya naman ang pinamakasakit na pamba-bash na naranasan na ni Andrea tungkol sa kanyang nakababatang kapatid na si Kenneth na may kondisyong down syndrome ay hindi niya pinalampas.

“Ako kasi kapag sa kapatid, naaapektuhan ako kasi nga ‘di ba minsan dyinu-joke nila ‘yung ganoon, ‘yung mongoloid.

“Hindi talaga. Hindi ko siya kayang marinig, ‘yung ganoon.

“Eh lately parang ang sinasabi nila, abnoy ‘yung kapatid ko. So, siyempre iyon ‘yung medyo nao-offend ako.”

Hindi niya sinasagot ang mga ganoong pamba-bash.

“Kasi ano eh, tatagal pa eh, hahaba. Pero ano, na-offend talaga ako dinamdam ko rin naman siya talaga.”

Binabasa ba niya lahat ng mga pamba-bash sa kanya?

“Pag nag-i-start pa lang na alam kong basher na, idini-delete ko na lang, tapos block.”

Iniyakan niya ang pamba-bash sa kapatid niya.

“Marami na akong iniyakan na comment.

Sa mommy at daddy niya siya madalas umiyak. Ano ang sinasabi sa kanya ng mga ito?

“Ano lang talaga sila, parang more on, ‘Kailangan mong labanan ng prayers and positivity.’

“Ganoon lang talaga.

“Kasi parang, wala eh, hindi mo mako-control ‘yung part na ‘yun ng work mo.”

Hindi naman niya kinikimkim ang mga sama ng loob niya sa mga basher.

“Nasasabi ko naman sa family ko, nailalabas ko naman.”

Pero hindi niya sinasagot.

“Hindi ko lang sinasagot, lalo na ‘pag wala namang followers kasi parang ano eh, tatagal pa ‘yung usapan. Parang mas gusto ko na lang na kalimutan na lang natin, huwag na lang nating pag-usapan, parang ganoon.”

Kung mayroon siyang mensahe sa mga basher niya, ano iyon?

“Wala, wala. Basta ano lang ako, gusto ko lang mag-focus sa work ko, at saka mag-focus na maging happy, na maging okay ang mga bagay, ‘yung ganoon.

“Iyon na lang ang pinagtutuunan ko ng pansin.”

Nag-aral si Andrea kay Anthony Vincent Bova (ang international acting coach) ng empowerment training o acting workshop ng GMA Artist Center.

Mapapanood si Andrea bilang Norse Goddess na si Sif sa Victor Magtanggol ng GMA (simula July 30) na pagbibidahan ni Alden Richards.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …