Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kylie at Aljur, walang network war

OKEY naman,” ang sagot ni Kylie Padilla nang kumustahin namin sila ni Aljur Abrenica.

Nakakapanibago ba na magkaiba sila ng TV networks? Kapuso si Kylie at Kapa­milya naman si Aljur.

“Hin­di, kasi hindi rin naman kami nagka­kasama niyong pareho kaming nasa GMA, sa ‘Sunday All Stars’ lang. So parang ganoon din,” at tumawa si Kylie.

Ang Sunday All Stars ay musical variety show ng GMA na umere mula 2013 hanggang 2015 at dating GMA artist si Aljur bago lumipat sa ABS-CBN.

Kapag nasa bahay sila, may tanungan ba kung kumusta ang kani-kanilang trabaho sa GMA at ABS?

“Oo may mga ganoon. Actually ang saya kasi our house is bilingual,” at tumawa si Kylie.

Walang network war.

“Oo, ‘yung isang TV naka-ABS, ‘yung isa naka-GMA. So it’s all peace.”

Na-excite rin si Aljur nang malaman nito na mapapasama si Kylie sa The Cure, na action scenes ang mga sinabakan ni Kylie bilang si Adira.

“Nandoon siya noong pumipili ako ng tattoo, eh!”

May mga (sticker) tattoo kasi si Kylie sa kanyang karakter sa GMA series.

“Tapos nandoon din siya noong first day na suot ko, sabi niya, ‘Wow, ang saya mo, ah! May character ka na ikaw ang gumawa. Ang saya!’”

Idea kasi ni Kylie na may mga tattoo si Adira.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …