Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ms. Boots, inayawan ng ina ng unang naging BF

NAGULAT ang lahat. May magandang istorya sa kanyang nakaraang buhay pag-ibig na naibahagi ang beteranang aktres na si Ms. Boots Anson Roa na bahagi ng pelikulang Dito Lang Ako kasama si Freddie Webb at ang mga bagets na sina Michelle Vito, Akihiro Blanco, at Jon Lucas, na hatid ng Blade Entertainment.

Dahil nga may elemento ng ikatlo sa relasyon ang sangkap ng pelikula, tinanong ang mga artista kung may nangyari na ba sa kanila na ganoong scenario in their lovelife.

Mayroon kay tita Boots. During her college days. Bago naging sila ng nakasama niya sa mahabang panahong si Pete Roa. Pete rin ang pangalan. Pero hindi siya gusto ng pamilya. At ang pumapel na third wheel nila na kaibigan ng boyfriend niya ang ipinakilala sa pamilya na syota niya. Kaya alam niyo na ang ending. Sila ang nagkatuluyan.

Walang closure. Iniwan sa ere si tita Boots. Pero biniyayaan siya ng isang lalaking bumuo ng kanilang pamilya.

Wait! There’s more, eh!

When they were at the airport in the US,  itinabi muna niya ang naka-wheelchair na mister sa iba pang naghihintay na makuha ang mga maleta nila sa conveyor. Pagbalik ni tita Boots, nakilala siya ng katabi ni Pete, na naka-wheelchair din. Ang nanay ng una niyang Pete. Na kumausap at humingi ng tawad sa kanya.

Pang-MMK ang hugot ni tita Boots! Nagkaroon ng closure at doon din lang niya nasabi ito sa asawa.

Ngayon, ang linya namang Dito Lang Ako ay madalas niyang sinasambit sa kanyang makakasama na sa buhay na si Atty. Rodrigo.

Ang galing ‘no! Sa August 8, 2018. Tungkol naman sa pagmamahalang hinintay ang matutunghayan.

HARD TALK!
Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …