Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, nagpakumbaba, 3 mos. na ‘di pakikipag-uusap kay PNoy, tinapos

ANG pamilya ay pamilya. Ito ang pinatunayan ni Kris Aquino matapos makipag-ayos sa kanyang Kuya Noynoy Aquino na tatlong buwan na palang hindi sila nagkaka-usap dahil sa kaunting ‘di pagkakaunawaan.

At noong Miyerkoles ng gabi, hindi na nga pinatagal pa ni Kris ang hindi nila pag-uusap ni dating Pangulong PNoy dahil nakipagkasundo na ito alang-alang sa kanyang panganay na si Joshua na kasalukuyang nasa ospital para sa isang executive check up matapos sumakit ang tiyan.

Ibinahagi ni Kris sa kanyang social media account ang ukol sa muling pagsasama nila ng kanyang Kuya Noy. Isang picture ang ibinahagi niya na nakahiga si Joshua sa hospital habang naroroon si PNoy.

Pagbabahagi ni Kris, sasailalim si Joshua sa endoscopy, colonoscopy, blood works at kung ano-ano pang medical test.

Marami naman ang pumuri sa ginawang pagpapakumbaba ni Kris.  Narito ang kabuuang IG post ng Queen of Online World and Social Media.

“I chose to live my life openly — kaya nga maraming pwedeng humusga, pero na bless kasi marami rin ang nagmamahal… with true HUMILITY i will share our story & hope that some of you will learn from our journey.

“My brother and I have, had a complicated relationship, siguro po kasi only son and middle child siya, bunso ako. Siguro rin kasi aminadong opposites talaga kami — tahimik sya, pribado, iniisip mabuti ang bawat galaw.

“Alam ninyo na kung ano ako. Dahil #satruelang, 3 months po kaming hindi okay. Kasalanan ko po yun… Naipit yung 2 boys ko — alam nilang di okay kaya pinili na wag dumalaw at wag iwan si mama… Ang pinaka nag suffer si kuya josh. Sa bawat pag ospital — si tito Noy was always there.

“Kinapalan ko po ang mukha ko today — nag-text ako. Umamin na alam kong na hurt ko siya pero nakiusap — KAILANGAN sya ni Kuya Josh. My son needed him — the ONLY constant male figure in his life.

“From afar, I took this picture. Sharing w/ you because ito kami — PAMILYA na kagaya ninyong lahat. Kayang isantabi lahat ng tampuhan dahil hindi mag iiwanan — gagawin ang lahat sa oras ng pangangailangan — dahil may isang “special” na batang inosente na kukuha ng lakas sa pagmamahal ng tito Noy at mama niya.

“My brother is not active on social media, pero uulitin ko dito yung nasabi ko sa kanya — THANK YOU for LOVING JOSH ENOUGH to be here when he really needed you.

“This is for all of you to get to know the real man, the true NOY AQUINO who is so deserving of RESPECT and ADMIRATION, galing po sa hindi perpekto pero totoong bunsong kapatid, na si Kris Aquino. (thank you Mom, from heaven I know you made this possible).”

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …