Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dasal para kay Josh, hiniling; Bimby, nagpaka-‘kuya’ kay Josh

SUNOD-SUNOD ang isinagawang test kay Joshua Aquino noong Miyerkoles para malaman na rin kung ano ang sanhi ng pananakit ng tiyan nito.

At ayon sa unang findings matapos ang series of test, mayroong erosive esophagitis due to severe acid reflux at ulcer ang panganay ni Kris.

Sa mga video post ni Kris sa kanyang Instagram account, ipinakita roon kung gaano katapang nalampasan ni Josh ang mga isinagawang pagkuha sa kanya ng dugo. Nakaalalay siyempre ang kanyang inang si Kris, ang kanyang yaya, gayundin ang kapatid na si Bimby na na-feel namin ang pagiging Kuya bagamat mas bunso siya kay Josh.

Kitang-kita namin kung paano laging hinahaplos ni bunso ang kanyang kapatid at paghalik nito sa noo ni Josh.

Muli, humiling ng patuloy na pagdarasal si Kris at nagpasalamat din sa patuloy na nagbibigay ng dasal para sa kanyang panganay dahil on medication ito for 12 weeks at muling uulitin ang colonoscopy test matapos ang pag-inom ng gamot.

Narito ang post ni Kris, ukol ditto. ”Sinamahan nyo kami sa aming pinagdaanan. You gave us the most precious gift of your compassion. Thank you for praying for kuya Josh. He was blessed w/ an excellent team namely his Doctors:

-Arnel (Aye) Salud Nuguid

Pediatrics

-Alexandra Sandoval Laya

Gastroenterology

-Jonnel Lugod Lim Anesthesiologist and St. Luke’s Patient Experience Officer, Samantha Yu.

“(Part 2 of 2) It is only proper that i share w/ you his results & initial findings: EROSIVE ESOPHAGITIS DUE TO SEVERE ACID REFLUX

and ULCERS. He’s now finally sleeping together w/ Bimb- but they have to do a biopsy of what they had scraped from kuya because a healthy (based on blood works & absence of tumor markers), 23 year old shouldn’t have his severe digestive issues & our doctors want to be thorough. He’ll be on medication for 12 weeks & we’ll do a repeat colonoscopy. Magtitiwala po ako na sa dami nyong nagdarasal para sa kay kuya, God will heal him. From a mother na hindi kinayang magpahinga hangga’t hindi mahimbing ang tulog ng kanyang 2, at alam na kailangan magbahagi ng totoong diagnosis dahil minamahal nyo ang mga anak ko- THANK YOU… Hindi ko po malilimutan ang kabutihang puso na pinakita ninyo sa ‘min. You are all our guardian angels & rainbows in the storms of our family’s journey.

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …