Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kusina Kings, anim na taong binuo

ANIM na taon palang binuo ang pelikulang Kusina Kings na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Empoy, handog ng Star Cinema at mapapanood na sa July 25.

Ayon kay Mico del Rosario, advertising and promotions manager ng Star Cinema, ”matagal nang dine-develop ito nina Victor (Villanueva) at Enrico Santos. Ang tagal-tagal na namin itong binubuo, naghahanap ng tamang combination. Inaayos o iniisip ang tono ng script ng comedy niya kasi bago. We do male comedy before, pero on how to bring the male comedy sa ngayon.

“And noong finally na ilalabas na, sobra kaming na-excite kasi nakuha na namin ang dalawang magbibida na everything fall into place nang makuha na namin sila (Empoy at Z) and everybody.

“Kaya sobrang gigil na gigil kami rito, tuwang-tuwa na lalabas na finally at sa outcome, masayang-masaya kami.”

Ang consistent pa sa pelikulang ito, ayon pa kay Mico ay Kusina Kings na talaga ang titulo nito simula pa lang kaya hindi puwedeng ikabit saKita Kita na naging block buster movie ni Empoy.

Ukol sa pagluluto ang pelikulang ito, pero aminado ang director nitong si Villanueva na hindi siya marunong magluto.

“Honestly, kaya nabuo ang konseptong ito ay coming from my frustrations na hindi ako marunong magluto. At ang isang character dito na ginagampanan ni Zanjoe ay hindi siya marunong magluto. Nai-channel ko iyon dito, ‘yung frustrations ko to cook. I always wanted to cook pero wala akong patience.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …