ANG very talented na tinaguriang The Cutest Duo na sina Kikay at Mikay ang dagdag sa lumalaking pamilya ng Erase. Sila ang bagong endorser ng Erase Lotion for Kids at Erase Perfume for Kids.
Ayon sa CEO/President ng Erase na si Mr. Louie Gamboa, ”Kinuha namin sina Kikay and Mikay dahil naniniwala kami sa talento nilang dalawa.
“Ang Erase kasi mahilig tumulong sa mga baguhan, ‘pag lumapit sa amin at alam naman namin na worth it na tulungan ginagawa naming ambassador like Kikay and Mikay.
“Pero hindi lahat ng lumalapit kinukuha namin, mayroon din kaming tinatanggihan. Siyempre iri-research muna namin ‘yung artist.
“At saka recommended ‘yan ng inaanak kong si Anne (Venanci ) kaya alam ko na okey ‘yan. ‘Pag recommended ni Anne alam kong magaling.”
Thankful sina Kikay at Mikay kay Sir Louie dahil binigyan sila ng pagkakataong maging part ng pamilya ng Erase. Bukod nga sa Erase Lotion and Perfume ay endorsers din ang mga ito ng Skin Light Baby Soap, Belgian Waffle, at H&H Makeover Salon.
Nakatakda ring mapanood ang dalawa sa newest teen show ng SMAC TV Productions, ang Bee Happy Go Lucky at sa up-coming teleserye sa Net 25, at sa Ppop /Internet Heartthrobs Tour sa July 22 sa Shopalooza Bazaar, Riverbanks Marikina.
MATABIL
ni John Fontanilla