Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
congress kamara

BBL siguraduhing naaayon sa Konstitusyon

UNTI-UNTI nang nagkakaroon ng linaw ang Bangsamoro  Basic Law, ngayon na pinaplantsa na ito sa Bicameral  Conference. Ibig sabihin sa sandaling maipasa ito ng Bicam, iraratipika na ito ng dalawang kapulungan ng Kongreso, at puwedeng-puwede nang pirmahan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte bilang ganap na batas.

Ang BBL ay pinaniniwalaang siyang tutuldok sa mga gulo o magbibigay ng kapayapaan sa buong Mindanao. Layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang mga Muslim na pamunuan ang rehiyon, patakbuhin ang ekonomiya, politika ng mga taong taga-Mindanao.

Maganda ang layunin, at naniniwala at umaasa tayo na ang tunay na kapayapaan sa Mindanao ay matatamo sa sandaling ito’y maging ganap na batas at maipatupad.

Gayunman, ngayon pa lang ay meron nang nagdududa kung hanggang saan aabot ang panukalang ito, lalo siguro kung sa sandaling may makitang butas na maglalagay rito sa alanganin.

Naroon ang takot na baka makuwestiyon lang ito sa Korte Suprema dahil sa isyu ng Constitutionality, hanggang tumagal na naman ang debate at tuluyang mabalewala ang lahat.

Sana lang ay hindi humantong sa mas mahaba at mabigat na debate ang panukalang ito kung hindi, anong paraan pa kaya ang magagawa para makamtan ang tunay na kapayapaan sa Mindanao?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …