Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Female star, abot-langit ang galit sa malanding film producer

NAKU Tita Maricris, ito ay isang matinding kuwento na talagang totoo.

May nakakuwentuhan kaming isang female star, na halos maiyak sa matinding galit habang ikinukuwento ang pangyayari sa kanyang buhay five years ago. Mayroon daw siyang boyfriend na isang executive sa isang learning institution. Talagang nakatakda na silang magpakasal dahil nakuha na rin niya ang annulment mula sa kanyang earlier marriage. Pero ang masakit, nahuli niya ang kanyang boyfriend sa isang restaurant grille sa likod ng isang network na kalampungan ang isang malanding film producer. Hindi naman daw siya nag-eskandalo. Ni walang nangyaring confrontation sa kanila. Basta tumalikod siya dahil ”ako ang talagang may pinag-aralan, hindi siya gaya ng sinasabi niya ngayon.” 

Pero natawa naman siya nang sabihin niyang ang dati niyang boyfriend na sinulot sa kanya ng malanding film producer ay naloko rin. ”Isipin mo pinagsabay niya ang ex ko at isang director na kilala ko. Pareho niyang syota. Pareho niyang hinuthutan, dahil ang totoo gold digger iyang babaeng iyan eh. Actually hanggang ngayon, galit din si direk sa kanya. Makausap mo lang si direk marami ka pang malalaman,” sabi sa amin ng girl na nag-aartista rin sa pelikula at sa telebisyon.

Nang tanungin namin ang girl kung may gusto siyang ipaabot sa kaaway niya, ang sabi lang niya ay, ”sana magbago na rin siya. Iyong totoong pagbabago dahil napakalandi niya.”

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …