SA wakas, nasulit na ang paghihintay ng fans at ng publiko dahil finally ay nakita na natin ang costume ni Alden Richards bilang si Victor Magtanggol.
Childhood dream ni Alden ang gumanap na superhero kaya dream come true sa kanya ang proyektong ito.
“Alam naman ng karamihan na super fan ako ni Iron Man. So ‘yung mga secret dream ko before was really to play a superhero role,” ayon kay Alden.
Iba nga ang naramdamang excitement ni Alden nang isuot niya ang kanyang costume for the first time. Komportable siyang nakagagalaw kahit sa fight scenes.
“Surprisingly, ang ganda ng movements. Parang magaan siyang isuot.”
Dagdag pa ni Alden, hindi biro ang naging proseso ng pagbuo ng kanyang costume mula sa pagsusuot ng body cast.
“Mga isang oras kang babalutan ng parang materyal na tumitigas, masakit. Pero siyempre para talagang tailor-made ang costume, kailangan ‘yun.”
Dumaan din sa ilang revisions ang paggawa sa kanyang costume. At masaya siya sa naging final look nito. At ito ay proudly Filipino-made.
“Everything is purong Pinoy. It’s all Filipino talent, effort, blood, sweat, tears, all in one project.”
Puspusan na nga ang taping para sa kanyang upcoming show sa Kapuso Network kaya naman hindi na makapaghintay ang kanyang fans at viewers na mapanood ang Victor Magtanggol.
Samantala, mahigit 70,000 views agad ang tinanggap ng Spotlight Music Sessions nina Alden at ang rap group na Ex Battalion sa GMA na kinanta nila ang Superhero Mo na siyang magiging Original Soundtrack (OST) ng upcoming fantasy/family drama series ni Alden na Victor Magtanggol.
Pumatok kasi ang collaboration nilang ito dahil nagdala ito ng isang nakaka-good vibes na araw sa kanila. Bukod sa nagka-LSS (o Last Song Syndrome) ang mahigit 70,000 Youtube viewers na nakapanood nito, nagagandahan din sila sa mensahe ng kanta.
Very inspiring at maganda itong motivation sa kanilang lahat.
Sa comments section sa Youtbe video nila, puring-puri ng netizens ang Ex Battalion at si Alden dahil swak ang kanilang pagsasanib-puwersa para kantahin iyon.
Lahat sila, maganda ang timbre ng boses. Kanta pa lang ang pasabog nilang ito, what more pa ang kanilang series? Ayon pa nga sa mga miyembro ng Ex Batallion, hindi nagpahuli si Alden sa kanila pagdating sa pagkanta.
Mistula raw itong isang professional singer!
Samantala, balita namin ay buwis-buhay ang mga stunt ni Alden sa Victor Magtanggol, na kahit ang mga mahihirap na action at fight scenes ay si Alden mismo ang gumagawa at wala itong double na stuntman!
Rated R
ni Rommel Gonzales