Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marlo Mortel
Marlo Mortel

Marlo, lumipat na kay Gaffud

BIG time si Marlo Mortel dahil mga “kapatid” na niya sina Pia Wurtzbach, Marlon Stokinger, Shamcey Supsup, Venus Raj, Benjamin Alves, at Daniel Matsunaga among others.

Nasa pangangalaga na si Marlo ng Mercator Model & Artist Management ni Jonas Gaffud na kasama niya sina Pia, etc…

“Happy ako,” ang bulalas ni Marlo tungkol dito.

“Happy of course. Although medyo nag-a-adapt pa rin ako kasi new set of people pero mababait sila lahat.

“And for the longest time kasi wala akong co-manager.”

Co-managed si Marlo nina Jonas at ng Star Magic.

Kuwento pa ni Marlo, hindi sinasadya ang pag-aartista niya.

“Aksidente lang po ako napunta sa ‘Please Be Careful With My Heart,’ may sinundo lang ako na girlfriend ko kaya ako nakapasok sa show.”

Nag-audition dati ang GF niya (na ex-GF na niya ngayon) bilang talent sa ABS-CBN.

“Tapos sinundo ko siya tapos nakita ako ng mga coordinator doon sa second floor.

“Sabi nila mag-audition din ako sa ‘Apoy Sa Dagat’ as seaman na talent lang din.”

At nang nangailangan ng bestfriend ni Jerome Ponce (as Luke) sa Please Be Careful With My Heart bilang talent ay si Marlo ang kinuha.

“Lagi lang akong kasamang maglakad ni Luke, wala akong line.

“Hanggang sa parang nagustuhan na ako ng mga boss, binigyan nila ako ng line, tiningnan nila kung nakakapag-line ako.

“Bigla na lang akong itinabi kay Janella, na aksidente lang hindi naman talaga ila-loveteam kami, kasi kapatid niya si Luke kaya minsan nagkakasama kami.

“Eh maganda ‘yung feedback, and after niyon lagi na kaming may eksena hanggang sa naging regular na ako hanggang sa naging second lead loveteam na kami.

“Tapos at saka lang ako kinuha ng Star Magic after.”

Samantala, hindi naman sumama ang loob ni Marlo na pinaghiwalay ang loveteam nila ni Janella Salvador. Bagkus ay malaki ang pasasalamat niya dahil malaki ang naitulong ng loveteam nila rati ni Janella para makilala siya.

Sa ngayon, bukod sa pagiging artista at regular hosting stint niya sa Umagang Kay Ganda ay concentrated si Marlo sa kanyang singing career with his song I Pray na alay niya sa inang may kanser.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …