Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kate Brios sasabak muli sa horror film, talent na ni Baby Go!

ANG actress/businesswoman, at MTRCB board member na si Kate Brios ang isa sa mga bagong alagang contract artist ng BG productions lady boss na si Ms. Baby Go. Nang nakahun­tahan namin sila recently, very optimistic si Ms. Baby sa niluluto nilang project for Ms. Kate.

“Malay mo rito sa bagong movie niyang gagawin sa BG Productions manalo siya ng award. Alam naman natin na lahat ng artista pangarap manalo ng award, ‘di ba? Sa akin naman kasi, handa naman tayong tumulong sa lahat para makamit ang kanilang pangarap,” naka­ngiting saad ng lady producer.

Reaksiyon dito ni Ms. Kate, “Why not? Gusto kong manalo rin ng award at baka rito ko nga makuha iyon sa BG. Happy siyempre tayo sa BG, kasi kilala sila sa mga award-winning movies.”

Nagbida na sa ilang horror movies si Kate at naging markado ang pag­ga­nap sa peliku­lang Bomba na pinagbidahan ng award-winning actor na si Allen Dizon.

“Kontrabida ako roon sa Bomba, iyon namang sa Men in Uniform kontrabida rin, hahaha! Okay lang namang malinya ako sa ganyang role. Pero gusto ko rin ‘yung iyakan naman. Gusto ko naman na ako naman ‘yung sinasampal, ako naman iyong inaapi,” nakata­wang pahayag ni Ms. Kate.

Dagdag niya, “Tapos, may gagawin din kami na movie para sa international film festival.”

Nabanggit din niya sa aming tsikahan na may gagawin siyang horror movie sa BG Productions at ito raw ang susunod niyang paghahandaan.

Anyway, susunod na aaba­ngang pelikula sa movie com­pany ni Ms. Baby ang Latay sa direksiyon ni Ralston Jover na pinagbibidahan nina Allen Dizon at Lovi Poe, with Snooky Serna at Mariel de Leon, at ang School Service ni Direk Louie Ignacio. Ito ay tinatampukan nina Ai Ai Delas Alas at Joel Lamangan at entry sa Cinemalaya Independent Film Festival 2018. Nasa pre-production stage na ang mga proyekto nina Joel Lamangan, Mel Chionglo, Neal Tan, at Joey Romero.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …