Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex Battalion, aarte sa pelikula ni Ai Ai

SUNOD-SUNOD ang suwerte ng grupong Ex Battalion simula nang maging manager nila ang aktres na si Ai Ai delas Alas. Nagkaroon na sila ng mommy, nagkaroon pa sila ng mabait na manager.

Noong Biyernes, inihayag ang pakikipag-collaborate ng Comedy Queen sa Viva. Inihayag din ang pagsabak sa acting para sa gagawing movie gayundin ang major concert, at recording artists ng Viva Records.

Ayon sa grupo, bago sila isabak sa pag-arte, isinabak muna sila ni Ai Ai sa acting workshop. ”So, hindi na kami nabigla. ’Yung basic sa acting at guidance sa amin ni Mom Ai-Ai bilang veteran actress, naisi-share niya sa amin,” tugon ng isa sa miyembro ng Ex Battalion.

Hindi naman itinago ni AiAi ang kasiyahang aarte na ang kanyang mga alaga. At simula nang alagaan niya ang mga ito’y nababayaran na ng tama ang mga bata.

“Oo, nababayaran na sila nang tama. Hindi sila uubra (sa akin). ’Yung nabalita rati, ka-member nila ’yon. Hindi sila ’yon. Ka-member nila ’yung hindi nabayaran, kasi ini-expect ng producer, sila ’yung lalabas. Hindi ’yung ex members ng Ex Battalion.

“So parang nagagalit ang mga tao kasi wala sila roon. Pero ka-member nila ’yon. So far, wala pa naman. Hindi pa naman kami nasusuba, praise God!” sambit nito.

Samantala, iginiit naman ng Ex Battalion na kaya nagustuhan din nila ang pagpirma sa Viva Records ay dahil binigyan silang kalayaan sa kanilang musika. Ibig sabihin, hindi pakikialaman ng Viva ang klase o tema ng kanilang musika.

Uumpisahan namang i-shoot ang pelikula nila sa July na isinulat ni Mel del Rosario at ididirehe ni Dado Lomibao. Ito bale ang pagbabalik ni AiAi sa Viva.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …