Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine, nakahanda laban kay Dupaya; Macky, suportado ang GF

ANG sinasabi ni Sunshine Cruz, nakahanda naman siya. Nakipag-meeting na siya sa kanyang abogado at nagsabi rin naman ang boyfriend niyang si Macky Mathay na susuportahan ang aktres all the way matapos marinig ang kuwento niyon sa kanyang abogado.

Hindi naman itinatanggi ni Sunshine na kaibigan niya si Kathlyn Dupaya, pero ang sinasabi nga niya, hindi naisauli ang perang kinuha sa kanya sa napagkasunduan nilang panahon. Ibang usapan nga naman kung nakasingil na si Dupaya sa mga nagkakautang sa kanya o hindi, pero dapat panagutan niya ang kanyang obligasyon sa tamang panahon.

Pero nagsampa na sila ng mga kaso sa korte kaya siguro nga hindi na natin dapat pang pag-usapan ang mga bagay na iyan, ni bigyang daan pa kung ano man ang kanilang mga katuwiran. Dapat nga hintayin na lang natin ang kanilang ilalahad at kung ano ang magiging desisyon ng korte sa mga bagay na iyan. Alam naman siguro ng mga abogado nila kung ano ang kalalabasan niyan.

Ang maganda lang leksiyon sa mga pangyayaring iyan, huwag basta papasok sa investments na hindi maliwanag sa inyo kung anong negosyo ang pupuntahan. Kailangan ding pag-aralan kung legal ba. Mayroon bang rehistro sa SEC o ano ba iyan. Bibigyan ba kayo ng legal na stock certificate na maaari rin ninyong ibenta o ang ibibigay lang sa inyo ay parang promissory note na maibabalik ang pera ninyo at ang tubo niyon sa tamang panahon.

Marami dapat pag-aralan talaga bago pumasok sa isang investment project, lalo na’t ang isososyo naman ninyo ay hard earned money. Hindi bale sana kung galing lang sa “graft and corruption” eh, pero kung talagang pinaghirapan mong kitain, masakit talaga iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …