Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karla, lagare sa kabi-kabilang trabaho

MASAYA ang ku­wentuhan namin kay Queen Mother Karla Estrada nang tsikahin ito sa shooting ng pelikulang Familia BlandINA ni Direk Jerry Lopez Sineneng under Artic Sky Productions owned by Dr. Dennis Aguirre.

Isang ina na may limang anak si Karla sa movie at si Jobert Austria naman ang kanyang ikalawang asawa.

“Naku! Masaya ang pelikulang ito. Matatawa ka pero paiiyakin ka rin. Isa akong mother dito at may limang anak ako kaya nandiyan sina Xia Vigor at Marco Gallo at mayroon pa eh, wala rito sa set, mamaya nandiyan na sila,” bungad pang tsika sa amin ni Karla.

Bakit nga ba Familia BlandINA ang titulo ng pelikula?

“Nagkaanak kasi ako rito, siyempre foreigner ang ama nila at galing Amerika kaya blond sila. Tapos uuwi silang ‘Pinas at titira rito sa baryo. So, roon magkakaroon ng problema sa mga anak ko dahil sa mga mangyayari sa baryo na walang wifi and everything. Pero hindi roon nagtatapos ang kuwento. Ito ay ukol sa isang ina kung gaano niya ka-mahal ang kanyang pamilya, ang kanyang mga anak, kung anong  kaya niyang gawin para sa mga anak niya. Tapos ayan, asawa ko pa si Jobert dito. Hahahaha! Masaya ang movie na pang-pamilya talaga!” kuwento pa ni Karla.

Sigurado naman kaming panonoorin talaga ang Familia BlandINA dahil may espesyal na appearance ang KathNiel?

“Yes! Basta may eksenang uupo sila sa harapan ko tapos maririnig kong mag-uusap sila about sa kanilang kasal. Basta. Tapos, mapapaluha na lang ako. Abangan nila! Maganda ‘yung eksenang ‘yun,” aniyang muli.

Halatang pagod na pagod that day si Karla. Mukhang wala pang sapat na pahinga ang Queen Mother.

“Yes Dom! Galing taping ng ‘Magandang Buhay,’ tapos may ‘Funny Ka Pare Ko,’ tapos itong shooting, tapos may mga commitment pa tayo sa labas, ganoon talaga. Time management lang. Pero kaya naman. Happy lang. Tapos dito ay happy set lang din kami,” giit pa ni Karla sa amin nang bisitahin sila kamakailan sa Plaridel, Bulacan.

REALITY BITES
ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …