Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay Mikay, patuloy sa pag-arangkada ang showbiz career!

TULOY-TULOY ang bles­sings kina Kikay Mikay sa maga­gandang projects na dumarating ngayon sa dalawang talented na bagets. Kamakailan ay binigyan sila ng award, na this time ay mula naman sa recording artist na si Nick Vera Perez as NVP Philippines’ Most Outstanding Performers 2018.

Bukod rito, may bagong endorsement sina Kikay Mikay, ang Famous Belgian Waffle. Kaya naman naibalita sa amin ni Mommy Diana ni Kikay na sob­rang saya ng dalawang bagets. “They are both happy kasi ma­sarap iyong food na ini-endorse nila, tapos ay skin light baby soap naman ang soap endorsement nila na nagpapaputi at nagpa­pakinis ng kanilang kutis.”

Nabanggit din ni Mommy Diana na may mga bagong endorse­­ments pa sina Kikay at Mikay at maraming inquiries sa kanila para sa mall shows.

Ano ang masasabi nila kay Nick Vera Perez? Sagot ni Kikay, “Si sir Nick ay very humble po and so kind at ma-appreciate sa talent ng isang tao. Kaming lahat, mami-miss namin siya nang sobra at mami-miss namin iyong Alapaap niyang kanta na kinuha niya kami as a back up dancers. Kaya sobrang proud po kami ni Mikay dahil sa rami ng dancers, kami iyong napili as back up dancers niya.”

Wika ni Mikay, “Very gene­rous po, actually noong birthday ko po, pagkatapos ng mallshow ay nag-treat siya, pinakain niya po kami lahat sa Max’s restau­rant to celebrate ng birthday ko po. Kaya sobrang happy ko po at ang daming handang inorder si sir Nick, busog na busog po kaming lahat.”

Sa movie naman, mapapa­nood sina Kikay Mikay sa Tales of Dahlia, directed by Moses Lapid at sa Susi na mula naman sa pamamahala ni Direk Baui Arthur. Sa June 2 ay may mall show sila sa SM Novaliches at sa June 3 ay sa Robinson’s Metro East. Sa June 24 naman ay premiere night ng Tales of Dahlia sa QC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …