Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Vika, mas kamukha ni Jolens

TALAGA namang naka-iskedyul ang panganganak ni Jolina Magdangal noong Monday, kasi nga by caesarean section naman iyon, at iyong ganyan naman usually nailalagay sa tamang schedule, hindi ka na maghihintay na mag-labor pa nang husto ang nanay at kusang lumalabas iyong bata.

Kaya Linggo ng gabi ay dinala na siya sa Asian Hospital and Medical Center para roon manganak. Kailangang ganoon nga ang gawin dahil noong huling ultrasound tests ni Jolina, nakita na medyo malaki ang kanyang magiging anak na si Vika Anaya Magdangal Escueta, or baby Vika for short.

Sabi ng daddy ni Jolina na si Jun Magdangal, maski naman noong ipananganak si Pele ay caesarean section din ang ginawa kay Jolina. Mayroon kasing mga ganoong kaso na nakikita agad nila na may kalakihan ang bata at baka mahirapan ang nanay.

So mga bantang 10:00 a.m. pala ng umaga sinimulan ang procedure, mga 11:00 a.m. naman ka-chat na namin ang excited lolo na si Jun, sinasabi nga niyang naipanganak na si Vika pero si Jolina, kasama ang asawang si Mark Escueta ay nasa recovery room pa, kaya wala pa rin siyang masyadong detalye. Mga bandang hapon na iyong nakita naming naka-post na sa social media account ni daddy Jun ang picture ni baby Vika, pero hindi ipinakita ang buong mukha ng bata. Although may sources na nagsasabing kamukha iyon ni Jolina.

Alam naman ninyo sa mga ospital, basta may nanganak na artista, tiyak na pagkakaguluhan agad ang bata. Mga bandang gabi na iyon nang makakita kami ng full picture ni baby Vika na nakikita na nga ang buo niyang mukha, at tama ang sinasabi nila, kamukha nga siya ni Jolina.

Masaya naman ang lahat, pati na ang kuya ni baby Vika na si Pele. At least may one boy and one girl na sina Mark at Jolina ngayon.

Iyon namang iniisip ni Jolina na gestational diabetes, usually nawawala naman iyan matapos manganak ang isang babae. Sana ganoon ang mangyari at hindi magtuloy sa type 2 diabetes.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …