Hello po, gud am po,
Nbasa ko po s net ang cp # nyo tungkol s pag-interpret ng panaginip… ngu2luhan lng po aq… ano po kya ibig svhin ng pusa n ayaw umalis at pilit gus2ng pumasok s bahay nmen tpos npatay ko dw po xa. slamat po.
(09971742343)
To 09971742343,
Ang pusa ay sagisag ng independent spirit, feminine sexuality, creativity, at power. Ngunit ito ay nagre-represent din naman ng misfortune at bad luck. Ang simbolo ng ganitong bungang-tulog ay may kakaibang kahalagahan depende kung ikaw ay isang cat lover o hindi.
Ang pusa ay maaaring nagpapahayag din na mayroong deceitful o treacherous na balak sa iyo ang iba. Ito ay maaaring nagsasaad na ikaw ay nagkakaroon ng suliranin sa iyong feminine aspect. Ang itim na pusa ay nagpapakita na ikaw ay nakararanas ng ilang takot at pangamba sa paggamit mo ng iyong psychic abilities at sa paniniwala sa iyong intuition. Posibleng ikaw ay magkamali rin na i-associate ang itim na pusa sa evil, destruction, at bad luck.
Sa nakita mong pusa sa iyong panaginip, makabubuting kilalanin kung ano ang sinasabi ng iyong intuition. Ito ay mahirap mo nang balewalain ngunit hindi ka dapat matakot na harapin ito. Higit sa epekto ng paniniwala ukol sa mga malas na bagay o simbolo, mas manalig sa kabutihan sa ating kapaligiran at sa kapangyarihan ng Diyos.
Kapag naman sa iyong panaginip ay nakapatay ka, ito ay nagsasaad na ikaw ay masyadong stress at ito ay delikado dahil posibleng pagmulan upang mawala ka sa sarili at magalit agad-agad. Kailangang alamin kung kilala mo ang napatay mo sa panaginip at isipin kung ikaw ay may mga nakatagong galit para sa napatay mo. Posible rin na sinusubukan mong patayin o tapusin ang ilang aspekto ng iyong pagkatao na inire-represent ng napatay mo. Maaaring nanggagaling ito sa galit mo, lalo na sa aspektong personal sa partikular na napapanaginipan mong pinapatay mo.
At dahil nasa subconscious mo ito, kaya nagma-manifest sa iyong panaginip. Maaari rin namang mahilig kang manood ng mga pelikula o palabas sa TV o magbasa ng mga librong bayolente o maraming patayan, naa-absorb ito ng iyong subconscious kaya nagiging ganyan ang takbo ng panaginip mo. Señor H.