Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Electrifying production numbers, mapapanood sa Ignite concert ni Regine

“EXPECT a lot of skin,” pagbabahagi ni Regine Tolentino ukol sa kanyang kauna-unahang dance concert, ang Ignite na gaganapin sa May 26, 8:00 p.m. sa Skydome sa SM North Edsa.

Tampok sa Ignite concert ang electrifying production numbers choreograph ng magaling na Speed Dancers’ dance director na si Egai  Bautista na tampok ang fabulous costumes designed ni Regine and style ni Neil Lorenzo.

Ani Regine, anim na buwan ang ginugol nila para tahiin ang mga damit na isusuot sa Ignite concert ng mga guest niyang sina Sheryl Cruz, Patricia Javier, Marissa Sanchez, Andrea Del Rosario, Madelle Paltuob, Zeus Collins, Gem Ramos, Leah Patricio, Sheng Belmonte, Jenny Miller, Alyna Velasquez, Ynez Veneracion, Che Che Tolentino, Luningning, Mariposa, Zara Lopez,  Dasuri Choi, Cherry Lou, Sherry Bautista, Saicy Aguila, at Ara Mina.

Kasama sa repertoire ni Regine ang mga kanta at sayaw mula sa hit-making divas at hinahangaan niyang sina Jennifer Lopez, Beyonce, lady Gaga, Madonna, at Britney Spears.

Iparirinig din ni Regine ang mga original choice cuts mula sa kanyang CD recording tulad ng Moving To The Music, Divas In me, Bounce, at Fearless na nagpapakita ng positive ideals ng women empowerment, confidence in self expression, at physical fitness.

Sold out na halos ang tiket sa Ignite concert na dadalhin din sa Japan para roon naman ibahagi ang galing at talento ni Regine sa pagsayaw at pagkanta.

Ang Ignite dance concert ay prodyus ng Flanax, co-presented ng 4.0 Events Management at RT Studios sa pakikipagtulungan ng Viva Artist Agency. Para sa ibang impormasyon at inquiries tumawag sa 09179795399 o sa [email protected].

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …