Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ian Veneracion, maraming pinakilig sa patok na concert ni LA Santos

GRABE ang naging tilian ng mga kababaihan nang lumabas si Ian veneracion sa #Petmalu concert ni LA Santos sa Music Museum recently. Bale, una munang kumantang mag-isa si LA ng Two Less Lonely People in the World at maya-maya ay umentra na nga si Ian at rito na nagtilian nang husto ang mga kababaihan.

Iba pa rin talaga ang charisma at hatak sa opposite sex ni Ian, guwapings kasi talaga ang actor/singer at magaling kumanta. Nabanggit nga ni katotong Joey Sarmiento na kasama naming nanood sa Music museum na tiyak na marami sa female audience na present that night ang manonood sa concert ni Ian sa May 13 titled Ian in 3 Acts na gaganapin sa Resorts World Manila. Special guest niya rito si LA.

Anyway, malaking tagum­pay ang first major concert ni LA at ipinakita rito ng guwapitong bagets na multi-talented siya dahil hindi lang sa pagkanta nagpaki­tang gilas ang tinaguriang Pop Idol kundi maging sa pagsasayaw at sa pagra-rap. Puno ang ve­nue at pinasaya niya ang kanyang fans na aliw na aliw kay LA.

Nagpakitang gilas din dito ang kanyang younger sister na si Kanisha Santos na may talento rin sa pagkanta at may-K maging recording artist.

Masayang-masaya si LA at ang masipag na produ­cer at manager niyang si Joed Serrano sa outcome ng #Petmalu concert.

Incidentally, congrats kay LA at sa masipag niyang Mommy Flor Santos dahil isa pang biyaya ang dumating sa talented na singer. Kahapon kasi sa ASAP ay binigyan ng Gold Record si LA para sa self-titled album niya mula sa Star Music.

Masayang tinanggap ni LA ang kanyang award at sinabing, “Thank you guys, thank you. Gusto kong pasalamatan sina kuya Jon Manalo and sila Roxy Liquigan, thank you so much for being with me po. I’m gonna make you proud, this is just the beginning for me po, so sana suportahan ninyo po ako sa mga next projects ko pa po, of course, sa mga fans ko, ‘Guys, I’m so speechless talaga sa mga nag-support sa akin, lalo na yung past concert ko last Monday po.’ Sa mga fans talaga, I love you so much guys, sana magtuloy-tuloy pa yung pagsuporta ninyo sa akin.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …