Monday , November 25 2024

CineFilipino Film Festival 2018, inilabas na ang mga entry

LIMANG taon matapos ang debut nito sa showbiz industry, ang CineFilipino Film Festival (CFFF) ay patuloy na nagtatampok sa mga bagong filmmakers na naghahatid ng mga magagandang obra kahit sa limitadong budget. Itinayo ng Cignal TV at Unitel Productions, Inc., ang CFFF ay inilabas na ang kanilang finalists para sa taong ito.

Walong pelikula ang maghahari sa CineFilipino Film Festival na mag-uumpisa sa Mayo 8 at magtatapos sa Mayo 15.

Ang walong feature length films na kasali ay ang Delia & Sammy na idinirehe ni Theresa Cayaba; Excuse Me Po ni Ronald EspinosaBatallones; Gusto Kita With All My Hypothalamus ni Dwein Baltazar; Hitboy ni Boy Ocampo; Mata Tapang ni Rod Marmol; Mga Mister ni Rosario ni Allan Habon; Poon ni Ronie Supangan; at The Eternity Between Seconds ni Alec Figuracion.

“We have five new filmmakers and three who have done feature-length films in other festivals. With this line up you can expect a rollercoaster of emotions in every frame,” sambit ni Unitel Productions and Straight Shooters President at CEO, Madonna Tarrayo na siya ring director ng CFFF.

Hindi rin naitago ni Tarrayo ang kasiyahan sa mga naggagandahang entries ngayong taon dahil ang mga finalist ay nagpapakita ng freshness of approach, strong potential for audience engagement, mass friendly na hindi naisasakripisyo ang kalidad, at commercially viable.

Malaki naman ang tiwala ni Cignal TV President Jane Basas na tatangkilikin ng publiko ang mga pelikulang kasali sa CFFF.

Inihayag din ng CFFF ang pakikipagtulungan sa kanila ng Film Development Council of the Philippines sa pangunguna ng chairman nitong si Liza Dino-Seguerra.

Samantala, mapapanood ang mga pelikulang ito sa mga piling sinehan tulad sa Gateway Cinemas, SM Cinemas, at Ayala Malls. Gagawin naman ang grand awards night sa Kia Theater sa Mayo 12.

About Nonie Nicasio

Check Also

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *