HINDI naman masasabing “nag-jump ship” si Sunshine Cruz kagaya ni Ryza Cenon. Iyong kaso ni Sunshine, nakatanggap lamang siya ng isang magandang offer mula sa GMA, at dahil wala naman siyang contract sa ABS-CBN, kundi iyong mga per-show contract lamang, walang masasabing anumang legal obligation na tinalikuran niya sa network.
Gayunman, kinikilala ni Sunshine na mayroon siyang moral obligation sa ABS-CBN, kaya nga bago niya tuluyang tinanggap ang proyektong inialok sa kanya, nakipag-usap muna siya sa management ng ABS-CBN, ipinaliwanag niya kung bakit sila nakarating ng kanyang manager sa isang desisyong pag-aralan ang offer ng kabilang network, at nakita naman nilang it is worth it.
In fact, sinabi rin naman ni Sunshine na immediately after the series, kung kailan sinimulan, isang proyekto naman ang naghihintay sa kanya sa ABS-CBN, gagawin niya iyon. In fact talagang may isa pa siyang project na nagkaroon nga lang ng delay dahil nauna siyang nagpaalam para sana sa operasyon ng kanyang mata sa US. Pero nang papunta na siya roon at saka nga dumating ang isang offer na sa tingin nila ay magandang proyektong gawin niya. Pati ang pagpapa-opera niya ng kanyang mata ay naurong.
Pagkatapos sana ng bakasyon niya sa Europe para makita ang isa niyang kapatid, ang plano talaga ay tutuloy na siya sa US para sa operasyon, pero sa halip bumalik na nga lang siya sa Pilipinas dahil nga sa natanggap na offer.
“Kung minsan kasi, may maiaalok na role sa iyo na talagang panghihinayangan mo kung hindi mo magagawa, kaya nagpaalam muna ako sa kabila. Ok naman dahil naintindihan nila ako. Maganda ang aming naging usapan, at sinabi ko naman na anytime kailangan nila ako ok lang,” sabi ni Sunshine.
HATAWAN
ni Ed de Leon