Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Louie, tiniyak na magpapakilig at magpapaiyak sina Barbie at Derrick sa Almost A Love Story

TINIYAK ng award winning director na si Louie Ignacio na magpapakilig at magpapaiyak sa moviegoers sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa pelikulang Almost A Love Story ng movie company ni Ms. Baby Go.

Sinabi ni Direk Louie na bahagi talaga ng istorya ng pelikulang ito ang mga nakakikilig na eksena. “Actually iyong kilig niya ay part of the story, na dapat kasi may kilig para ma-develop mo ‘yung susunod na mangyayari sa film. Makikita naman sa movie ‘yung rapport nina Barbie at Derrick, so roon pa lang ay nakakikilig na talaga.

“So kumbaga, mapapaniwala mo sila na kikiligin ka talaga, pero iiyak ka rin sa movie na ito,” nakangiting saad ng masipag na Kapuso direktor.

Pinuri niya rin ang galing dito nina Barbie at Derrick. “Ibang klase ‘yung dalawa. Basta ‘di ako nahirapan. Masaya ako. Perfect ‘yung casting, ‘yung pairing nila.”

Nabanggit din niyang challenge sa kanya ang pelikula dahil ito ang unang mainstream movie ng BG Productions. “Well, nakaka-challenge of course. Sabi ko nga, it’s about time na gumawa naman ang BG ng ganitong klaseng movie na sana ay mapanood ng lahat, ‘di ba? Maraming mga advocacy films na ginawa ang BG, pero dito sa Almost A Love Story, mai-in love naman ang moviegoers.”

Pero may aral din ba rito na ma-appreciate ng manonood? “Oo naman, yeah. Dere-deretso iyan, sana lang madala sila kung ano man ‘yung gustong palabasin ng story, simple lang e, simple lang ‘yung story,” sambit ni Direk Louie.

Handog ng BG Productions International at sa pakikipagtulungan ng Salento Cinema of Ita-ly, at GMA-7, and distributed ng Regal Films Incorporated, ang Almost A Love Story ay mula sa panulat ni Onay Sales.

Bukod kina Barbie, Derrick at Lotlot, kasama rin sa pelikula sina Ana Capri at Matet de Leon. Showing na ngayon ang pelikulang ito na Graded-B ng Cinema Evaluation Board at Rated-G ng MTRCB kaya puwedeng-puwede itong panoorin ng buong pamilya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …