HINDI na mabilang ni Carla Guevara-LaForteza kung pang-ilang play na niya ang Monty Pythons’ Spamalot na gumaganap siya bilangThe Lady of the Lake na palabas na at mapapanood tuwing Biyernes (9:00 p.m.); Sabado, (3:00 at 8:00 p.m.); at Linggo (3:00 at 8:00 p.m.) na nagsimula noong Abril 13 hanggang Abril 22 sa Globe Auditorium, Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center at idinirehe ninaJoel Trinidad at Nicky Trivino.
Unang ipinalabas ang Spamalot noong isang taon pero dahil sa marami ang gusto pang makapanood ito, ibinalik ng Upstart Productions Inc., ang itinuturing na ‘hilarious’ play na nagtatampok kay King Arthur sa paghahanap niya sa Holy Grail!
Sa taong ito, ang Monty Pythons’ Spamalot ang kauna-unahang play na ginagawa ni Carla.
Aniya, ”Hindi ko na mabilang kung pang-ilan (play). Pero for this year, this is my first, ang last ko was ‘Matilda’, last November 2017 at the Meralco with ‘Atlantis’. This is my show now. I’m also currently rehearsing for ‘Bindondo: The Musical,’ opening on June 29 at the Solaire simultaneously I’ll be rehearsing for ‘Rak of Aegis: Repeat’ opening also on the same weekend pero apat naman kaming nag-a-alternate- Shiela Valderrama-Martinez, she’s also my alternate in ‘Binondo,’ and wife siya ng King Arthur. We also have Isay Alvarez, Sweet Plantado of the Company.”
“And then after that, when closes, mayroon akong mga corporate show, I’m doing naman Rapunzel for Repertory Philippines.”
Wow! Ang daming ginagawa ni Carla kaya naman natanong siya kung hindi nawawala ang boses niya.
“Namamaos ako kapag nae-expose sa smoke. Kaya kailangang ‘wag ma-expose. Kahit mapuyat ako to death okey lang. ‘Wag lang talaga ma-expose sa usok. Five minutes lang ako ma-expose sa may usok, the next day, wala na akong boses. May allergy ako sa anykind of smoke.”
Sa Spamalot, natural na natural ang acting niya bilang si The Lady of the Lake, ang babaeng tila may topak at luka-luka.
“Kasi may topak talaga ako ha ha ha. Every character that you see on stage has a little somethings that’s me talaga. So, ganoon lang talaga ako.
“I really get excited when I’m on stage kasi that’s my little playground. So I can be whoever and whatever and I can get away with it. So in-all out ko na. Kung ano lang ang maisip ko gawin, ginagawa ko siya sa stage. Kasi off stage, I’m a mom, I’m a wife. Medyo ayaw ng fans kapag siraulo so, kailangan. Tapos my family is conservative pa. Kailangan talaga kapag nasa ano (out of stage) medyo mayroon naman akong dignidad. Pero when I’m on stage that’s where I really play.”
Iginiit pa ni Carla ni super love niya ang teatro kaya naman mula noon hanggag ngayon, hindi niya maiwan-iwan. Mahal din niya ang telebisyon at pelikula, kaya lamang kinukuha ang oras niya sa entablado. Na sa tuwing mag-o-audition siya sa isang teleserye, nagkakataong may play siya.
Anyway, kung gusto ninyong sumaya at makalimutan ang lahat ng alalahanin sa buhay, manood na ng Monty Python’s Spamalot tuwing Sabado, April 14, 8:00 p.m.; April 21, 3:00 at 8:00 p.m.; Linggo, April 22, 3:00 p.m..
Kasama rin sa Spamalot sina Roxy Aldiosa (Ensemble), Rachel Alejandro (ka-alternate ni Carla bilang Lady of the Lake), Reb Atadero(Historian, not dead Fred, et al), Bors the Younger (himself), Rachel Coates (Ensemble), Domi Espejo (Patsy, the mayor, et al), Countes Natalya Elizaveta Vasiliev Federov III (the cow), Rhenwyn Gabalonzo (Ensemble), Eric Idle (the voice of God), Lorenz Martinez (King Arthur), Ian McKellen (King Arthur, Understudy), Noel Rayos, (Sir Lancelot, Tim, The French Taunter, et.al), Bibo Reyes (Sir Bedevere, Mrs Galhad, et. al.), Dean Rosen (Sir Galahad, the Black Knight, et. al), Geore Schulze (Sir Robin, brother Maynard, et.al), Eponine Thenardier (helself), at Chino Veguillas (Ensemble).
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio