Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden Richards, ginawang magandang ehemplo ni Laguna Vice Gov. Karen Agapay

GINAWANG magandang ehemplo para sa mga kabataan si Alden Richards ni Laguna Vice Governor Atty. Karen Agapay. Hindi lang para sa mga kapwa niya taga-Laguna, kundi maging sa iba’t ibang panig ng bansa. Proud si VG Agapay sa narating ng kanyang kababayang ito na hindi lang isang mabuting anak, kundi marunong ding pahalagahan ang perang kanyang pinaghihirapan mula sa mundo ng showbiz.

Kaya naman upang maihalintulad ng mga kabataan sa Laguna ang kanilang kapalaran kay Alden, patuloy na nagsasagawa si Vice Gov. Agapay ng mga Local Recruitment Activity o Job Hiring kasama ang kanyang mga kaibigang kompanya na tinawag niyang VGO Partners for Job Opportunities.

Ang iba pang proyekto ni VG Agapay para sa Laguna ay ang Happy Wheels Project na namimigay siya ng wheelchairs at Free Legal Assistance para sa may problema sa birth certificate at pagbibigay ng affidavit at libreng notaryo.

Sa ngayon ay libo nang kabataan ang nabigyan ng trabaho ni VG Agapay at dire-diretso pa ang kanilang pag-ikot sa bawat distrito ng kanyang lalawigan upang masigurong ang lahat ng mga kabataang Lagunense ay may pagkakataong matupad ang kanilang mga pangarap sa buhay, tulad ng isang Alden Richards.

Thankful nga si VG Agapay dahil madalas na present si Alden sa mga events sa hometown ng aktor sa Laguna. Kaya talagang masasabing huwarang kabataan nga ang Eat Bulaga Dabarkads at Kapuso star na si Alden na swak maging inspirasyon ng maraming kabataan.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …