Monday , December 23 2024
sexual harrassment hipo

Sexual harassment vs Customs official

NAKARATING na kaya sa kaalaman ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña ang reklamong sexual harassment laban sa isang manyakis na opisyal ng isang empleyada sa Manila International Container Port (MICP)?

Inakala raw yata ng malibog na Customs official na “blow job” ang trabaho sa kanya ng isang contractual employee na kung tawagin ay job order (JO).

Ang damuhong Customs official na inireklamo sa Office of the Commissioner (OCOM) ay ilang buwan pa lang naitatalaga sa kanyang puwesto.

Kuwento sa atin, ang batang empleyada na dating naka-assign sa opisina ng isang babaeng opisyal na ipinatapon sa Appari Port sa Cagayan ay maganda, maputi at medyo matangkad.

Matagal-tagal na raw pinanggigigilan ang pobreng empleyada na noong una ay inumpisahang tsansingan ng tarantadong Customs official sa paakbay-akbay.

Habang tumatagal, nakahalata na ang empleyada dahil sa puwet na siya hinahawakan ng kanyang boss.

Isang araw, nang hindi na siguro makapagpigil sa panggigigil si Customs official, bigla na lang nitong tinangka na halikan sa nguso ang magandang empleyada.

Mabuti na lang, mabilis na nakailag ang empleyada at sa kanyang baba (chin) lang dumampo ang matulis na nguso ng Customs official na nagtangkang magnakaw ng halik.

Nagsumbong ang batang empleyada sa kanyang tiyahin na nakatalaga sa OCOM at sinamahan siya na idulog umano ang reklamo sa Bureau of Customs Employees Association (BOCEA).

Nakiusap raw ang manyakol na opisyal sa BOCEA na huwag na lang palakihin ang pangyayari kaya naman hanggang ngayon ay walang resulta ang idinulog na reklamo.

Bakit hindi kumikilos ang BOCEA sa reklamo ng kasamahan nilang empleyado?

Habang hindi pa sumisingaw ang malaking eskandalo, idinidiga ng Customs official na magkaroon ng reshuffle sa kanyang opisina para maipalipat sa ibang puwesto ang nagreklamong empleyada.

Hinihiling daw ng opisyal na malapit kay Gen. Lapeña na maitalaga sa kanyang opisina ang anim magagandang biktima, ‘este, kababaihan.

Aba’y, kung walang aksiyon ang BOCEA at OCOM ay puwedeng idulog ng empleyada ang kanyang reklamo sa Office of the Ombudsman laban sa manyakis na Customs official.

Bukas ang programang Lapid Fire ng inyong lingkod na napapakinggan mula 10:00 pm – 12:00 mn sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz/AM), Lunes hanggang Biyernes, para sa reklamo na maaaring itawag sa 0916-624-0313.

Subaybayan!

NANGINGILIN DIN
ANG MGA KRIMINAL
‘PAG SEMANA SANTA

IBINIDA ng Philippine National Police (PNP) na “generally peaceful” ang naging paggunita sa Semana Santa.

Sa buong bansa ay 48 lang daw na mga ‘di kanais-nais na pangyayari ang natanggap nilang ulat, 34 insidente ng pagkalunod, 7 vehicular accidents, 2 kaso ng pagnanakaw at physical injuries.

Ito raw ay dahil sa 33,385 police personnel na itinalagang magbantay sa mga itinatag na 5,218 police assistance centers sa Metro Manila.

Wala namang nakagugulat kung bumaba ang krimen dahil halos lahat ay sinasamantala ang pagkakataon na iukol sa bakasyon at pahinga ang kanilang panahon tuwing Semana Santa kaya’t pawang insidente ng pagkalunod at vehicular accidents ang naitatalang pangyayari.

Baka hindi lang alam ng kasalukuyang spokesman ng PNP na kahit mga kriminal ay nangingilin din kasama ang kanilang pamilya, at ang iba nga sa kanila ay nagpepenetensiya pa bago bumalik sa dati nilang gawi pagkatapos ng Semana Santa.

Puwede lang makapagmalaki ang PNP ay kapag ang katulad na katahimikan ay nangyari sa mga normal na araw na hindi sinasanto ng mga kriminal.

Kailan kaya ‘yun?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *