MISCONCEPTION. Ito ang sinabi ni Liza Soberano kahapon ukol kay Sofia Andres sa mga hindi magandang naglalabasan sa kanya tulad ng wala sa focus at panay ang text sa isang presscon.
Ani Liza, mahiyaan lang si Sofia, ”Even on the set, we all play together a lot, pero siya, nahihiya siya, sa corner lang siya. And then, parang kami, we have to really grab her to play with us, kasi I think, siguro, her upbringing siguro, in her house.”
Middle child si Sofia kaya siguro ganoon, dagdag pa ni Ganda (karakter ni Liza sa Bagani). ”Hindi ba kasi ‘pag middle child, mas nagbibigay attention (ang family) sa younger or sa older.”
Biglang singit naman ni Lakas (Quen) na middle child din siya na agad namang iginiit ni Liza na iba ang babae sa mga lalaki.
“We have emotions. I’m not saying you guys, don’t have emotions but we’re emotional creature. Especially when it’s time of the month, you know,” paliwanag pa ni Darna.
Ipinagtanggol din ng mga direktor ng Bagani na sina Richard Arellano at Lester Pimentel si Sofia at sinabing wala silang problema kay Sofia. Napaka-professional nito at ayaw magpa-double sa mga ginagawang stunt o labanan.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio