Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Arcilla Sid Lucero Ang Probinsyano FPJAP

John at Sid, posibleng magka-Ulcer

MAY mga nagtatanong, hindi kaya magkasakit ng ulcer sina John Arcilla at Sid Lucero dahil tuwing nag-uusap sa eksena ng Ang Probin­syano ay  may hawak na kopita?

Laging umiinom ang dalawa sa tuwing mag-uusap. Kaya naman nangangamba ang mga televiewers sa posibleng maging epekto sa dalawa.

MAINE, WALANG
ARTE
KAHIT LAGING
NAKABILAD
SA ARAW

TODO-INIT ng sikat ng araw, pero wala man lang complain ang Bulakenyang Superstar na si Maine Mendozasa Sugod Bahay segment ng Eat Bulaga.

Si Maine kasi ay discovery ng EB kaya isinasama sa lakad ng tatlong matronang sina Jose Manalo, Wally Bayola, at Paolo Ballesteros.

Napansin ng mga napupuntahang lugar ni Maine tulad ng sa San Isidro, Nueva Ecija na walang dalang alcohol ang dalaga na ginagawa ng iba pagkatapos makipagkamay sa fans.

Ang ibang artistang nakararating doon ay super maarte at kulang na lang sundan ng malaking bentilador para ‘wag mainitan.

Kakaiba si Maine sa mga ugali nila na nag-birthday noong March 3.

Maine Mendoza

Sa rami ng napuntahang barangay ni Maine may ilang nagtanong kung tutulad ba sa siya sa tiyahin niyang naging gobernadora sa Bulakan, si Josie dela Cruz. Walang komento ang dalaga dahil ini-enjoy niya ang pag-aartista. Alam kasi niyang kapag sa politika tiyak dudumi ang imahe niya at pag-iisipan kung saan saan ba galing ang mga yamang tinatamasa niya.

SHARONIAN,
NAGHIHINTAY PA RIN
SA SHARON-GABBY
MOVIE

Sharon Cuneta Gabby Concepcion

TOTOO nga yata ang kasabihang, first love never dies. Nadarama kasi ito ng mga Sharonian sa muling pagsasama ng kanilang idolong sina Sharon Cuneta at Gabby Concepsion sa isang TVC.

sharon cuneta gabby concepcion mcdo

 

Masaya ang mga tagahanga dahil sa wakas nagbunga ang pagpepenetensiya ni Sharon na magpayat. Si Gabby naman ay nag-hit ang teleserye niyang Ika-6 Na Utos.

Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Maging si Sharon ay nag-klik ang pakikipagtambal kay Robin Padilla kaya marahil nagka-idea at lumakas ang loob ng product producer na kumuha sa dalawa.

Malaking suwerte ng mga tagahanga na libre nilang napanood ang muling tambalan ng dalawa. Ang hinihintay na lamang nila ay ang muling pagsasama ng mga ito sa isang pelikula.

 

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …