Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sam Milby Yassi Pressman Andrew Ivan Payawal Ang Pambansang Third Wheel

Yassi, on time lagi sa shooting kahit puyat

PURING-PURI ni Direk Ivan Andrew Payawal sina Yassi Pressman at Sam Milby na bida sa kanyang pelikulang Ang Pambansang Third Wheel na palabas na ngayon sa mga sinehan handog ng Viva Films.

Ani Direk Ivan, very professional at walang kaarte-arte  ang dalawa. Hindi rin ipinaramdam sa kanya na baguhan lang siyang director bagkus ay sinuportahan siya mula sa simula hangang sa last shooting day.

Ayon kay Direk Ivan, ”The best thing about Yassi is her drive. She’s so hardworking. Kahit puyat at pagod ‘yan galing sa taping ng ‘Ang Probinsyano’, she comes on time. She comes prepared.

“Never ‘yan nagreklamo. Never ko ‘yan narinig na magsabi na pagod na siya. Ibinibigay niya more than 100% kaya gaganahan ka ring magtrabaho. Her corny jokes are the best! Ako lang yata tumatawa sa jokes niya.

“Si Sam naman, he is one of the most kind-hearted people I know. He comes in on set always with a smile. He makes sure na busog ang mga tao sa set dahil lagi ‘yan nagpapakain. And when it comes to work, he’s very focused. Makikita mo na mahal niya ang trabaho niya kaya siya tumatagal sa industriya.

“There was one time, sumakit ang sikmura niya sa set dahil acidic pala siya. We were telling him na isusugod na namin siya sa ospital. Kasi hirap na siyang tumayo sa sobrang sakit. But he didn’t want to leave, he wanted to finish his sequences kasi nahihiya siya sa mga tao. Kaya mahal na mahal namin sina Yassi at Sam,” papuri ni direk Ivan sa dalawa.

Bukod kina Sam at Yassi, kasama rin sa cast sina Al Tantay, Sam Pinto, Candy Pangilinan, Francine Prieto, Kim Molina, Cholo Barretto, Bob Jbeili, at Alonzo Muhlach.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …