Monday , November 25 2024

Lubog na pulis namamayagpag sa mga ilegalista sa Divisoria!

MARAMI ang nagtataka kung bakit hindi masawata ang matagal nang bulok na kalakaran na 15/30 system sa hanay ng pulisya.

Gaya sa Maynila, may namamayagpag pa rin na mga nakalubog na tulis ‘este pulis na pakuya-kuyakoy lang at hindi pumapasok sa duty pero patuloy na nakakokobra ng ‘PAY SLIP’ tuwing kinsenas at katapusan.

Napakarami niyan partikular sa NCRPO.

Sa Manila Police District (MPD), ayon mismo sa ilang pulis na masyado nang agrabyado, kahit raw mataas ang biyakan sa 15/30 ng pulis at bossing nila e tuloy pa rin ang ligaya nila.

Gaya ng isang alias PO2 R2 MANALO ‘TO na naka-assign sa MPD DPSB!

Diyan daw kasi sa unit na ‘yan  e ayaw na ayaw umalis ni Manalo dahil panalo siya sa ha­tagan ‘este tanggapan ng MPD DPSB.

Ayon sa ilang matitinong pulis ng MPD, hindi lang panalo kundi jackpot si Manalo To sa MPD-DPSB.

Bakit ‘kan’yo?!

Iyan daw kasing si Panalo ‘este  Manalo To ay parang kasosyo ng Meralco dahil hawak niya ang illegal connection ng koryente sa kahabaan ng Recto sa Divisoria?!

Wattafak!?

At kahit paulit-ulit na nabibisto ng kinauukulan ang ilegal na lakad e patuloy pa rin sa pagbebenta ng ilegal na koryente sa nasabing lugar!

Maging 5-6 sa mga vendor sa Divisoria ay raket rin umano ng kumag na lespu?!

Sonabagan!!!

MPD DD Gen. Joel Coronel, ang pagkakaalam natin, matinik ang intel ninyo sa ganitong mga klaseng pulis sa inyong distrito.

Pero, mukhang napaiikotan kayo ng isang 15/30 PO2 Manalo To sa inyong departamento?!

By the way Gen. Coronel, ang sikat na kolek-tong ni Manalo ‘To ay isang alias Pu-tek-tek na ‘nagpapakilalang’ bagman ng Soler Detachment!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *