Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

RS Francisco, namigay ng sports car

HINDI ko ma-explain ng maayos ang aking nararamdaman sa nasaksihang pasabog ng Frontrow Universe sa MOA grounds na tatlo ang nanalong agent nila ng mamahaling sports car.

Nakakaloka talaga ang yaman nitong Frontrow Universe owned by Sam Versoza and my beshie RS Franciscona kasalukuyang nasa Portugal.

“Grabe naman ‘yan! Hindi naman sa ganoon. Sobrang nagpapasalamat lang kami sa lahat ng taong nagbigay ng tiwala sa aming produkto sa buong mundo. Kahit kami ni Sam, hindi namin inakalang lalaki ng ganito ang pamilya ng Frontrow at sobrang masaya lang kami dahil ‘yung produkto talaga namin ang ipinapangalandakan na matino kami at kami mismo ay ginagamit namin ang aming product and sell it! Ganoon kami! “ sez RS Francisco.

Nabatid din namin na nag-umpisa naman talaga sa isang very humble beginning ang Frontrow.

“Habang nag-uumpisa kami, napakarami naming pinagdaanan sa Frontrow, hanggang sa nagtiyaga kami habang kinakaharap ang ups and downs, hanggang sa heto na! Blessed lang din siguro kami because minahal namin at niyakap namin ng buong puso ang aming negosyo and right now, ayan, almost 20,000 ang nandiyan ngayon sa field and ano pa ba?” aniyang muli.

A day after the said car show ay nagkaroon naman ng thanksgiving day si RS para sa mga kaibigan niya sa entertainment media na ginanap  sa Limbaga 77.

Hindi matawaran ang saya ni RS that day dahil dumating lahat ng kanyang kaibigan mula sa entertainment media. RS thanked everyone at umaasa siyang patuloy ang pag-unlad at pagkilala ng madla sa Frontrow sa buong mundo dahil isa lang naman ang kanyang mithiin, ang makatulong sa karamihan at i-enjoy ang produktong mayroon sila na kasalukuyan.

REALITY BITES!
ni Dominic Rea

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …