Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Sulsol ng dilawan sa EDSA 1 celebration

MULING tatangkain ng mga dilawang politiko at makakaliwang grupo na magsagawa ng isang malaking kilos-protesta sa ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power 1 sa darating na 22-25 Pebrero.

Ipakikita ng nasabing mga grupo na mayroon pa silang kakayahang magsagawa ng malala­king rally at demonstrasyon para ipa-mukha sa kasalukuyang pamahalan ang kanilang kakayahan para banggain ang administrasyon ni Digong.

Pipilitin ng mga grupo na makapag-mobilize ng malaking bilang ng mga demonstrador at maipalaganap ang kanilang propaganda kontra kay Digong lalo ang kampanya laban sa droga, korupsiyon at iba pang katiwalian sa pamahalaan.

Hindi na nadala ang mga kalaban ni Digong. Kung matatandaan, sa ginawang pagdiriwang ng EDSA People Power 1 noong nakaraang taon, halos 2,000 katao lang ang lumahok sa ipinatawag na kilos-protesta ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa People Power monument.

Sa pangunguna ng mga dilawang politiko tulad nina Sen. Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Frank Drilon at Vice President Leni Robredo, nilangaw ang kanilang demonstra­syon, at nagmukha silang mga basang sisiw.

At mukhang mauulit na naman ito ngayong taon sa pagdiriwang ng EDSA People Power 1.  Siguradong mabibilang sa daliri ang lalahok sa ipatatawag na kilos-protesta ng dilawang politiko at mag-uuwian silang pawang mga luhaan.

Asahan din ang pro-Digong rally, kung ilulunsad ito kontra sa mga dilawang politiko, tiyak na dadagsain ng taongbayan. Kung noong nakaraang taon ay umabot sa 200,000 katao ang lumahok sa rally sa Luneta, malamang dumoble pa ito ngayong taon.

Wala sa realidad ang mga kalabang politiko ni Digong. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila matanggap na popular pa rin ang presidente, at ang suporta at tiwala ng mamamayang Filipino ay nanatiling mataas pa rin.

Pinagsawaan na ang mga pangako ng dilawang politiko at makakaliwang grupo ng taongbayan. Magiging barometro sa darating na pagdiriwang ng ika-32 anibersaryo ng EDSA People Power 1 ang bilang ng mga demonstrador na lalahok sa nasabing selebrasyon.

Nag-aaksaya lamang ng panahon ang mga kalaban ni Digong sa pagdiriwang ng EDSA People Power 1. Walang naging resulta ang EDSA revolt kundi kahirapan at kapighatian  sa mamamayang Filipino.

Tapos na ang kulto ng mga dilawan at hindi na rin pinaniniwalaan ang panis na slogan ng makakaliwang grupo. Suporta at pagkakaisa ng taongbayan ang nararapat na ipagkaloob kay Digong para sa isang maayos at matatag na pamahalaan.

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *