Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Walwalerong actor, pinainom na’t lahat gusto pang maghanap ng trouble

KALURKEY sa  dilang ‘kalurkey ang walwale rong aktor na itey, mama!” Ito ang hyper na bungad ng aming source na may dala na namang tsika.

Patuloy nito, ”Pinainom mo na’t lahat, inilibre mo na nga sa bisyo niyang ‘di niya kayang tustusan, aba, siya pa ‘tong may ganang maghanap ng trouble. At mukhang ako pa ang gusto niyang pagtripan? ‘Kaloka talaga!”

Ang kuwento, nagyaya ang mismong aktor na mag-unwind sila ng baklitang kaibigan sa isang bar. Ang beki siyempre ang taya.

“Parang anak-anakan ko na rin naman siya, kaya no problem. Bet ko rin namang maghapi-hapi noong gabing ‘yon, pero alalay lang ako sa pagnomo. ‘Di kagaya niyong lolo mo, bangenge na’t lahat ayaw pa ring paawat!” sey pa nito.

Nakailang order na sila ng bucket nang mapansin ng beki na nag-iiba na  ang anyo ng kainumang aktor. Obyus na mataas na ang tama nito.

“Aba, walang kagatol-gatol, eh, nagdayalog na lang ang lolo mo ng, ‘I think I wanna kill somebody,’ siyempre, nasyokot ako! ‘Day, bigla kong tinawag ang waiter, pinagetlak ko agad ang bill. Pagkabayad ko, iniwan ko sa bar ang lolo mo, ‘no!”

Da who ang walwalerong aktor? Itago na lang natin siya sa alyas na Bartolome Guillermo.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …