Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Faeldon inilipat sa Pasay City Jail

DINALA na sa Pasay City Jail si dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon kahapon ng tanghali.

Dumating si Faeldon kasama ang mga tauhan ng Office of Sergeant at Arms ng Senado at ipinasok sa loob ng Male Dormitory ng Pasay City Jail, dakong 12:02 ng tanghali.

Si Faeldon, nakasuot ng itim na t-shirt na may nakalagay  na “Truth is Justice” ay pinagkaguluhan ng mga dalaw at preso ng piitan.

Hindi natuloy ang paglipat nitong Lunes ng gabi kay Faeldon sa kulungan dahil sinasabing marumi, mabaho at posibleng magkasakit ang opisyal.

INILIPAT na si dating Bureau of Customs (BOC) Commisioner Nicanor Faeldon sa piitan ng Pasay City Jail dahil sa kanyang asal at pagmamatigas sa kapulungan o sa Senate Blue Ribbon Committe kaugnay sa umanoy katiwalian ng tara system sa Bureau of Customs kahapon ng umaga. (Eric Jayson Drew)

Sinabi ni Senior Ins-pector Orlando Alicante, Pasay City Jail Deputy Director, ilalagay sa cuer-na sa ikalawang palapag at may sariling selda na walang pangkat at walang kasama si Faeldon para sa kanyang kaligtasan.

Nagkasundo ang mga senador na panatilihin ang contempt kay Faeldon at ituloy ang pagpiit ngunit hindi sa Senado kundi sa Pasay City Jail.

Nagpasya ang mga senador na ilipat ng kulungan si Faeldon dahil sa kanyang naging asal at pagmamatigas sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay sa katiwalian sa tara system sa BoC kahapon.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …