Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
EDITORIAL logo

Bayanihan para sa mga apektado ng Mayon

LIBO-LIBO na naman ang nagsilikas at ngayon ay nasa eva­cuation center dahil sa pagsabog ng bulkang Mayon nitong Lunes. Nasa alert level 4 pa rin ang paligid ng Mayon, na ang ibig sabihin ay posibleng magkaroon pa nang mas matinding pagsabog. Dahil dito, mas lalong lumaki ang danger zone, mula sa dating anim na kilometro ay naging walo na ito, kaya ‘yung mga dating ‘di pa apektado ng alboroto ng Mayon, ay kasama na ring lumikas para hindi abutin ng panganib.

Sa ganitong mga panahon, dito nakikita at nararamdaman ang tunay na pagkatao nating mga Filipino. Ang nakagisnan nating ba­yanihan, ay buhay na buhay. Naroroon ang pagkali­nga sa kapwa dahil sa pagtutulungan sa kabila ng mga hindi inaasahang sitwasyon.

Tunay nga na buhay na buhay ang “bayanihan” sa ating mga Filipino sa ganitong mga pagkakataon, isang tatak-Pinoy na hindi na yata talaga maiaalis sa atin kahit pa anong klaseng problema ang suungin natin.

Kaya ngayon palang ay nananawagan na tayo sa ating mga kababayan, na muling buhayin ang espiritu ng bayanihan. Ialay ang ating mga kamay sa pagtulong sa mga kababayan na­ting nangangaila­ngansila na ilang daang libo na nasa evacuation center at naghihintay ng mga pansamantalang panga­ngailangan gaya ng pagkain, tubig, damit, gamot at kung ano-ano pa. Bigyang-atensiyon higit sa lahat ang pangangailangan ng matatanda at mga bata sa ganitong panahon ng krisis.

Higit sa lahat sana ay manguna ang pamahalaan sa bayanihang ito, para maisalba ang buhay at kabuhayan ng maraming mga Bico­lano na masasalanta ng pagsabog ng bulkang Mayon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …