Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC, aminadong kuripot dahil ayaw nang maghirap

EMOSYONAL si JC Santos nang kumustahin ni Boy Abunda ang kapatid nito.

Sa guesting ng aktor sa Tonight With Boy Abunda, aminado ang aktor na nagiging emosyonal siya kapag pinag-uusapan ang kanyang kapatid.

“My greatest dream eh makatapos siya,” aniya. “Ang buhay namin noon eh palipat-lipat ng bahay. OFW ang parents namin. I missed her everytime ba pinu-pursue ko ang pangarap ko rito sa Maynila.”

Pagbabalita pa ng isa sa bida ng Mr & Mrs Cruz na handog ng Viva Films at The Idea First Company, na nakapagpatayo na siya ng bahay sa Pampanga. “Kasi nga po lagi kaming nakikitira. Ngayon masaya na ako kasi malapit na ring gumradweyt ang kapatid ko,” masayang paglalahad pa ng aktor.

Nabuking ding medyo may pagkakuripot si JC at talagang nagse-save siya. Pero hindi niya iyon ikinahihiya dahil aniya, “Para ‘pag naghirap ako uli, ayokong dumating sa part na magugutom uli ako.”

Si JC ang namamahala ng kanyang pera at pinagsisipagan niya talaga. “Kuripot ako at wala akong bisyo o luho.”

Palabas na sa January 24 ang Mr & Mrs Cruz na bida rin si Ryza Cenon.

SHOWBIZ KONEK
n Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …