ISANG pampamilyang istorya ang tututukan bukas, Sabado (Enero 13) na ibabahagi ng MMK(Maalaala Mo Kaya). Tampok sa Bunso’ng Haligi episode ni direk Nuel Naval na isinulat ni Akeem Jordan del Rosario sina Amy Austria as Puring, Enzo Pinedaas 3rd gen Freddie, Zaijian Jaranilla as 2nd gen Freddie, Marco Masa as 1st gen Freddie, JC Santos as Ka Elo, Brace Arquiza as 1st gen Ronnie, Jimboy Martin as 2nd gen Ronnie, Mitch Naco as 1st gen Belen, Kamille Filoteo as 2nd gen Belen, at gaganap naman sina Cris Villonco at Maritess Joaquin bilang mga madre.
Ang panganay na kapatid ni Freddie ang gagampanan ni JC bilang si Ka Elo. Na siyang nagsimulang sumuporta sa pangarap ng kapatid na maabot ang pangarap. Pero maagang mawawala ito sa piling ng kanyang pamilya na ikawiwindang ng mundo ni Freddie.
Pero sa kabila ng mga hamong hinarap, lumiwanag ang kinabukasan ni Freddie na nagsikap sa buhay at ginawang inspirasyon ang kanyang Ka Elo.
At sa kasalukuyan, binalikan ni Freddie ang kanyang sinilangan at kinalakhan, ang Famy, Laguna. Ipinagmamalaki siya ng mga kababayan sa pagbabalik ng pagsisilbi sa mga ito sa naabot ng kanyang pagpupursige sa buhay bilang kanilang Vice-Mayor sa nasabing lalawigan.
Na ang tanging pangarap na siya naman niyang ginagawa ay ang mabigyan ng bagay na muntik ipagkait sa kanya, ang edukasyon ng mga bata ng Famy!
HARDTALK
ni Pilar Mateo