Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Restoran ni Alden, nagpapa-franchise na

WILLING ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa suggestion ni Kris Aquino na magkaroon sila ng pelikula o teleserye.

Ayon kay Alden, kung mabibigyan ng chance, very willing din siyang gumawa ng isang proyekto kasama ang Queen of All Media.

Maaalalang nag-viral ang pahayag ni Kris kaugnay sa kagustuhang makatrabaho si Alden.

Work wish for 2018- to play Alden’s mom in a project. Hopefully a drama w/ a bit of realistic funny moments exploring the love & complexities of a single mom & her grown up son… just me imagining Bimb & me 15 years from now…

Dagdag pa nito “Di na ko mahihiya, libreng mangarap so i’m tagging @annettegozon of GMA FILMS & @gmanetwork.”

 Na sinagot naman ni Alden ng “Wow! Nakahihiya naman kay Ms. Kris. Nabasa ko nga ‘yung mga sinabi niya. Sa akin okay na okay ako, kung mabibigyan ng chance why not? Sana matuloy!”

 Samantala, nag-share naman ng blessings si Alden sa ibinigay nitong thanksgiving paandar sa kanyang mga kaibigan sa entertaiment media na ginanap sa pag-aari niyang resto/café na Concha’s Garden sa Tomas Morato, QC.

Ibinalita ng binata na plano nilang magpa-franchise ng kanilang restaurant ngayong 2018.

Gusto ko lang po talaga kayong personal na mapasalamatan, makita, makasama bago man lang matapos ang 2017. Actually before Christmas pa dapat natin ito ginawa, pero pare-pareho po tayong busy.

Sa lahat po ng magagandang pi-nagsamahan natin ngayong 2017, sobrang thank you po talaga and sana this 2018, ganoon pa rin o mas maging masagana pa,” sey ng guwapo at mabait na aktor.

Kaunti na nga lang yata ang katulad ni Alden na may pagpapahalaga sa mga Entertainment Press na malaki ang naiambag sa kanyang showbiz career. Ganito rin sina Coco Martin, Nadine Lustre, Mother Ricky Reyes, Kuya Boy Abunda, Kim Rodriguez , Vilma Santos, Lani Mercado, Yul Servo, PPL ( Perry Lansigan ), MTRCB Chairman Rachel Arenas, Sheryl Cruz, Vicky Morales, Joel Cruz, Marlo Mortel, at Senator Nancy Binay.     

(JOHN FONTANILLA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …