IPALALABAS na ang pelikulang Mama’s Girl this coming January 17, 2018. Ang pelikulang hatid ng Regal Entertainment tampok sina Sofia Andres, Diego Loyzaga, Jameson Blake, at Ms. Sylvia Sanchez.
Sa ngayon, bukod sa pagbibida sa pelikula ay humahataw din ang showbiz career ni Ms. Sylvia sa telebisyon. After ng highly successful na seryeng The Greatest Love, muling umaarangkada ang pinagbibihang drama series nina Ms. Sylvia at ng kanyang anak na si Arjo Atayde titled Hanggang Saan.
Nakapanayam namin si Ms. Sylvia at inusisa namin sa award-winning actress kung ano ang role niya sa pelikulang ito?
Esplika ng premyadong aktres, “Ang role ko rito ay isang mother, isang strong na mother, full of life, masipag, matiyaga, maabilidad, masayahin…”
In real life, ang kanyang magandang anak na si Ria Atayde ay Potpot ang tawag niya, nagkataon lang ba ito? “Yes, siya si Potpot ng aking buhay… Kaya noong tinanggap ko ang role na ito, alam kong madali lang sa akin mapalapit iyong character na ginampanan ng anak ko rito which is si Sofia, dahil Potpot din ang tawag ko sa kanya,” pahayag ng Kapamilya aktres.
Dagdag ni Ms. Sylvia, “Nagkataon lang na iyon talaga ang tawag ko kay Sofia. Si Ria, ang tawag ko sa kanya ay Potpot or Riapot. Si Sofia naman sa movie ang tawag ko sa kanya ay Abipot.”
Ano po ang aral na mapupulot ng manonood sa Mama’s Girl?
Tugon ng lead star ng TV series na Hanggang Saan, “Marami, maraming aral na mapupulot o makikita sa movie… Like, basta hangga’t nandiyan pa sa tabi mo ang mahal mo sa buhay, take advantage ka na, take advantage of it. Mahalin mo nang husto ang nanay mo at mga mahal mo sa buhay, bigyan mo sila ng oras. Kasi kapag nawala sa iyo ang mga mahal mo, baka magsisi ka sa huli.”
Ang Mama’s Girl ay mula sa direksiyon ni Connie S. A. Macatuno. Mapapanood din sa pelikula sina Yana Asistio, Heaven Peralejo, Karen Reyes, Arlene Muhlach, Alan Paule, Alora Sasam, at iba pa.
RAYMOND RINOZA,
MASAYA SA KANYANG
SHOWBIZ CAREER
TEN years na sa mundo ng showbiz si Raymond Rinoza na professionally ay isa talagang engineer. Hindi sinasadya ang pagpasok niya sa pag-aartista, ngunit aminado siyang nag-e-enjoy naman sa kanyang second career.
Panimulang kuwento ni Raymond, ”I started back in 2007. Story goes like this: It was never really my plan to become an actor. When I got a job as an engineer, the team was preparing for the Christmas party and needed a host. Since I was the newbie, they begged me to be the host (none of them wanted to). So I took on the job. Turns out I did okay, or I did great, depending on who I asked.
“So every year they would make me host. After some years, I decided to take formal hosting classes, and when I read in the paper that ABS-CBN was going to conduct one, I registered. So I took the hosting workshop. Afterwards, one of the workshoppers I made friends with wanted to join an acting class but didn’t want to register alone. As a friend, I accompanied him. Turns out the acting workshop was conducted by a director named Rahyan Carlos. This was in 2007. Direk Rahyan would in future be teaching Star Magic talents. Our particular workshop included students like Coco Martin, Avi Siwa, and theater actresses Jenny Jamora and Lynn Sherman.”
Saad niya, “The class had a digital movie output, which was a culmination of our workshop activities. We shot a film for two days entitled “Ang Parol sa Aking Burol” and it was a very exciting experience. I was able to see myself on the big screen for the first time when the film was shown at UP Cine Adarna. That got me hooked. Watching myself, I knew I could do better. I joined other workshops for the next several years, including Direk Emman Dela Cruz’s UFO Workshops, Direk Zig Dulay’s Eksena Workshop, and Brillante Mendoza’s Film Workshop.”
Sa ngayon ay bahagi si Raymond ng mga project na The Right to Kill Currently ni Brillante Mendoza, Jerrold Tarog’s Goyo: Ang Batang Heneral starring Paulo Avelino.
Nag-e-enjoy ka ba so far sa showbiz career mo? “Oo, enjoy na enjoy ako so far sa mga na-achieve ko sa acting industry. What’s exciting is, marami pang dapat matutunan and it’s the journey, the challenges, which make it exciting.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio